Kinabukasan, iyon na yung araw na kailangan namin magpresent sa mga Doctor ng CIS. Actually, nakakapressure talaga siya. Feeling ko mapapahiya ako dun maya maya at talagang isusumpa ko yung araw na 'to pagnagkataon! At ang mas malala pa dun, open yung for any students. Nakakahiya pag di ko nasagot yung mga tanong at pinapaexplain ng mga Doctor mamaya, sana lang talaga masagot ko.
Nandito ako ngayon at nag-aantay ng tawagin ako. May hawak hawak akong notes ko habang nakaupo dito para irescan lahat ng pinag-aralan ko this week. Pero naramdaman ko ba magsnooze yung phone ko, tinignan ko iyon.
From: Adriel
Goodluck, Doctora Therese :)
Napangiti ako sa text niya na yun, kahit na tatlong salita lang yun, sobrang kilig na kilig ako ngayon! Jusko, hulog na hulog na ba akiz? Nagtipa ako ng irereply sa kanya.
To: Adriel
Salamat, Noah malavs hehehe. Ipanalangin mo na di ako mapahiya, para sa future natin 'to!
From: Adriel
Really huh? Future natin? Looks good.
Napatakip ako ng bibig ko sa tinext niya saka nagreply uli ng isasagot sa kanya.
To: Adriel
Luh bhie? Future Doctora kasi yun, assuming ka ha.
Pinatay ko muna yung phone ko at nakinig muna ng saglit nang maramdaman ko na magsnooze uli yung phone ko.
From: Adriel
Future natin, planado ko na.
Napakagat-labi ako nang mariin na mariin dahil sa pamatay na banat na yun! Feeling ko unti unti na namang nabubuhay yung braincell ko at gusto ko na agad magpresent dun. Magtitipa na sana ako nang makita ko yung isa kong kaklase na nakadungaw sa phone ko.
"Pashare naman ng kilig na yan, kanina pa tunog ng tunog yung phone eh, nakakahiya naman." Sabi ni Eliza, kaklase ko siya. Madalas ko ding kausap 'to, bitter nga lang.
Jowa jowa din kasi diba?
"Ehe, sorry naman." Sabi ko saka hininaan yung volume ng phone ko.
Nagroll eyes siya, minsan masungit din 'to. Basherist ko talaga, di na bago yun. "Makinig ka na dun sa speaker, malapit na matapos yung magpepresent."
Gaya ng sabi niya, nakinig nalang ako dun sa speaker na maraming eche-burecheng tinatanong dun sa isang med student. Well, di ko pinapakinggan yung nagsasalita kasi nagsscan uli ako sa notes ko. Pero putragis, feeling ko mamemental block ako nung ako na yung tinawag!
Shuta, gabayan niyo ko!
Pero medyo nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko yung tanong. Buti nalang naaral ko yun, kung hindi paktay na talaga ako. Like sa usual, I speak like a licensed doctor talaga. Syempre naman, dapat feel na feel mo na yun 'no, atsaka saakin kasi mas naeexpress ko yung naisasagot ko pag ganun ako magsalita. Well, sana lang di ako mukhang OA sa pandinig nila, I really hope it's not.
Nang matapos ako magdiscuss ng topic na binigay saakin, bumalik ako sa kinauupuan ko at kinuha yung bag ko. Feeling ko less stress na ako ngayon, parang hayahay nalang ako mamaya. Makakabawi na ko kay Noah, huhudogs sorry malavs.
"Pwede na uli makipagchat." Sabi ni Eliza.
Natawa ako sa kanya at tinapik tapik pa yung balikat niya. "Alam mo sis, minsan walang masama kung masosobrahan ka sa asukal. Masyado kang mapait eh, ang pakla."
Inirapan niya ako kaya nakangiti ko siyang tinaas-babaan ng kilay, mas nang-aasar. Nagpaalam na ako dahil pwede naman na umalis pagtapos ka na, di pa kasi siya tapos tawagin. Naglalakad ako palabas ng university para umuwi na, tapos na kasi classes ko. Pero nandun palang ako sa may shed ng CIS para sumakay na ng jeep pauwi nang may tumawag saakin.
BINABASA MO ANG
Love to Attain (Squad Series#2)
Teen FictionLarissa Therese Hortaleza, ang pinakamadaldal sa barkada. Well, alam naman niya yun dahil obvious naman na. Akala mo ay hindi siya nauubusan ng storya sa sobrang pagka-chismosa. She was born extrovert, she'll talk when she wants to. Anywhere and any...