Chapter 23

105 4 0
                                    

Kinabukasan, alas dies na ako nagising. Buti nalang at wala akong pasok, kung hindi ay lagot na talaga. Binuksan ko kaagad yung phone ko para icheck kung may sagot na si Noah sa mga text ko, pero wala parin siyang sagot saakin. Napabuntong hininga nalang ako at kahit wala parin siyang chat, nagtext parin ako sa kanya.

To: Adriel

Goodmorninggggg malavs! Why naman alaws ka parin chat, hohoo. Btw, labyah.

Nang masend ko iyon ay pilit na ngiti ang lumabas sa labi ko, magpost na kaya ako sa Facebook na missing yung jowa ko? "Siraulo ka, Larissa. Hibang na hibang ka na niyan, self?" Sabi ko sa sarili ko.

Tumayo ako at kinuha yung twalya ko para maligo na, feeling ko boring uli yung araw ko ngayon. Kung siguro ay di siya nagpunta dun sa Tito ni Ate Yvette, baka nasa bahay nila ako ngayon at nangungulit lang uli sa kanya. Pero dahil wala siya sa bahay nila, di ko alam kung ano gagawin ko.

Paglabas ko ng banyo, nagsuot lang ako ng white shirt atsaka dolphin short, simpleng pambahay lang. Lumabas ako ng kwarto ko atsaka bumaba. Nakita ko dun si Kuya Lawrence at Mama na nasa mesa at mukhang nag-uusap. Parang kakatapos lang din nila kumain ng almusal.

"Oh, gising na ang bunso ko." Sabi ni Mama.

"Aga ng gising mo ha, ayos yan." Sarkastikong sabi ni Kuya Lawrence, talagang ganyan palagi ang bungad niya saakin. Sa dalawang taon na lumipas, walang nagbago, bakulaw parin siya.

"Ano ka ba, Lawrence!" Saway ni Mama. "Napagod siguro siya kausap ang gahigugma man niya." Nanunuksong sabi ni Mama saka ako nginisihan.

Napapilit tuloy ako ng ngisi, hindi nga kami nakapag-usap eh. "Hehehe.. m-medyo nga Ma." Pagsisinungaling ko.

"Korni niya, akala niyo naman hindi kayo magkikita." Ungot ni Kuya, wala ding nagbago sa kanya, mapakla parin.

"Hay nako, napaka mo Lawrence." Sabi ni Mama. "Aba't nag-aantay din ako ng apo, 52 years old na ako, aba."

"Tch," Singhal lang ang naisagot ni Kuya Lawrence.

Tuloy ay napunta kay Kuya ang topic namin ngayon at hindi na saakin. Habang kumakain ako, nag-uusap lang kaming tatlo ng kung ano anong bagay, isa na dun ang buhay pag-ibig ng kapatid kong 'to. Ewan ko ba din sa kanya, di ko alam kung torpe ba siya o mapait lang talaga ang timpla niya. Mas mabuti na din yung nag-uusap usap kami, nawawala sa isip ko yung pag-aalala ko kay Noah ng kahit papano.

Pero nagkanya kanya din kaming tatlo nang may tumawag kay Mama na mag-oorder ata sa kanya. Umakyat naalng ako sa kwarto ko at back to normal ako, wala na naman akong magawa. Umupo ako sa kama ko atskaa nagbukas ng phone ko, tangines, wala parin siyang reply, haha.

"Ayos, ano 'to sis, ignoring girlfriend challenge?" Sarkastikong bulong ko sa hangin at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

Napagdesisyunan ko na mag-aral nalang, mag-aadvance reading nalang ako o kaya irerecap ko nalang yung mga napag-aralan namin. Gaya ng sabi ko, inubos ko yung oras ko sa pag-aaral nalang. Minsan bumababa ako sa kusina para kumuha ng pagkain tas babalik uli sa kwarto ko at kakain habang nag-aaral.

Mag-1PM na nung may kumatok sa pinto ko. "Sino yan?"

"Open the door." Sabi ni... Noah?!

Nanlaki ang mata ko nung matunugan ko yung boses na yun. Sinara ko kaagad yung libro ko saka tumayo at binuksan yung pinto. At di nga ako nagkamali! Si Noah nga!

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon