Chapter 38

129 5 0
                                    

Nandito parin kami sa bahay namin pero tapos na kami kumain ng agahan. Hindi pa kami makaalis ni Noah dahil kinakausap pa siya nila Papa at Kuya Lawrence sa labas. Hindi pa naman ako mali-late pero hindi aoo mapakali sa pwesto ko dito ngayon. Gustong gusto ko makinig sa pinag-uusapan nila pero baka naman wrong timing din ang pasok ko.

Binubugbog na kaya siya dun?

"Anong nararamdaman mo ngayon?" Kapagkuwa'y tanong ni Mama.

Napatingin ako sa kanya saka pabuntong hiningang ngumiti bagaman maliit lang. "Ewan ko rin Ma."

Bumuntong hininga rin si Mama. "Grabe, di ko lubos maisip na magagawa ni Yvette yun. Tinuring natin siyang pamilya pero.." At isa pang buntong hininga ang pinakawalan ni Mama.

Ngumiwi nalang ako. "Hay nako Ma, hayaan na natin yung tao. Masaya na siya sa pamilya niya, wag na tayong mahimutok dito sa inis. Tsaka, nonsense lang din kung ngayon pa tayo magagalit kung kelan 9 years na lumipas."

"Hay, nakakalungkot lang." Sabi nalang ni Mama.

Mahabang katahimikan ang bumalot saaming dalawa ni Mama. Eh paano ko ba naman kasi susundan yung sinabi ni Mama? Nang maya maya pa ay magbukas uli ng topic si Mama na feeling ko nasamid ako kahit di ako umiinom!

"Eh kelan ba ang kasal?" Tanong ni Mama.

"Mama!" Maagap na sabi ko saka ngumuso. Nag-iwas din ako ng tingin saka humalukipkip.

Narinig ko na tumawa si Mama sa inasal ko. "Ano ka ba naman, nagtatanong lang naman yung tao."

Umangat yung gilid ng labi ko. "Eh kasi naman Ma, bat ako yung tinatanong mo?" Saka ako ngumisi. "Diba dapat si Noah tinatanong mo?"

Napamaang si Mama saka tumawa muli, natawa nalang din ako sa sinabi ko. Ang harot harot mo selp, pistilan ka. "Pero anak, kung dumating man yung panahon na magpropose sayo si Adriel eh umoo ka ha!"

Di ko malaman kung nagbibiro pa ba si Mama o hindi na dahil nakangiti nalang siya nung sabihin yun. "Joke ba yan Ma o seryoso?"

Mas lumaki ang ngiti ni Mama saakin. "Ang gusto ko lang naman sabihin, habang nandyan pa, wag mo ng pakawalan."

"Hayaan mo Ma, lalagyan ko ng dog leash ng di na makawala." Biro ko.

Narinig ko lang na suminghal si Mama habang nakangiti. "Pero yun nga, napakagulo ng nangyari sainyo, kaya kung ayaw mong mag-intay uli ng siyam na taon, wag mo na pakawalan."

"Mama, ang seryoso mo, di bagay saatin yung ganitong usapan." Nakangiwing sabi ko. "Tsaka kaya ko namang mag-antay uli ng siyam na taon kung siya ang dahilan Ma 'no. Pero syempre, di ko napapakawalan." Dagdag ko.

"Dalaga na ang Aling Tere namin na umiiyak lang dati kapag di binigyan ng balat ng manok ni Lawrence." Biro ni Mama.

Nagroll eyes nalang ako. "Mama, wala na nga sa kaledaryo yung edad ko tapos dalaga parin ako sa paningin niyo?" Sarkastikong turan ko na tinawanan lang ni Mama.

Nag-usap pa kami ng ilang saglit ni Mama, nagtatanong siya kung kelan at ano daw yung mga nangyari saamin ni Noah nung magkita kami uli. Naputol lang yun nung dumating sila Noah.

"Woi Tere, pumasok ka na at mali-late ka na." Bungad agad saakin ng kumag kong kapatid.

"Ito na boss, makapagsabi ka naman para di ako dito nakatira." Sarkastikong sabi ko saka tumayo. "Sige na Ma, Pa. Papasok na po ako at mukhang suyang-suya na 'tong damulag niyong anak."

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon