Pagkapasok ko agad sa loob ng Clinic Room ko, nilapag ko agad yung donut at kape na hawak ko. Tinungkod ko yung dalawa kong kamay sa mesa ko habang nakakuyom iyon. Nakita ko yung sarili ko sa salamin dun sa gilid ng mesa ko. Napatitig ako sa sarili ko mula dun. Shet, nandito ba talaga siya..? Ewan ko pero halo halong emosyon yung nararamdaman ko ngayon, hindi ko maexplain ng maayos yung nararamdaman ko.
"Jusko.." Mahinang bulong ko.
"Doc, maayos na po yung gagamitin niyo para sa check up." Sabi ni Rhoda sa likod ko.
Napabaling ako sa kanya. "Huh?"
"Maayos na po yung mga gagamitin niyo sa check up." Pag-uulit niya.
Namilog ang bibig ko saka napatango nalang. "Ah, sige."
Larissa niyo nababaliw na.
"Nga pala, Doc." Usal niya uli. "Anggwapo nung tatay, Doc 'no? Magandang bata din naman yung anak niya, di na nakakagulat."
"Hindi ko type." Pandidiretso ko sa kanya, tuwing ganyan yung topic niya, alam kong itatanong niya ba saakin kung nagwapuhan din ako.
Napatawa siya. "Wala pa ngang sinasabi, Doc eh. Ang advance niyo mag-isip." Sabi niya.
"Tsh, h-hindi naman gwapo." Sabi ko saka tumikhim. Potacca, Larissa. Napakamapagpanggap mo.
"Gwapo kaya, Doc! Napaka-manly niya tignan! Mapapa-rawr ka nalang."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, anong rawr ka dyan?! Papahabol kita sa aso ni Briella ng mapa-rawr ka! "Wag ka na umasa dun, may asawa na yun." Saka umupo na sa swivel chair ko.
"Oh? Talaga, Doc? Paano niyo naman nasabi?" Tanong niya.
Napatingin ako sa sinabi niya, at takte! Mukhang madudulas pa ata ako na magkakilala kami. Syempre, nakabuntis yan eh! Gusto kong isagot yun pero hindi ko magawa. Bubuka na sana yung bibig ko pero bigla ay bumukas yung pinto at iluwa nun sila Adriel at.. Angelei.
Nagtama ang tingin namin pero agad akong nag-iwas ng tingin. Tumikhim ako saka nagsalita. "Ahmm, let's start." Saka ko giniya yung upuan sa harap ko.
"Hmm.." Narinig kong sabi lang ni Adriel saka sila umupo.
Hindi ko siya pinansin at binalingan nalang yung bata. "Hi, Angelei!" Bati ko sa kanya habang nakangiti.
Ngumiti siya saakin, katulad ng ngiti niya kanina na parang nahihiya. "Hello po.." Mahinang sabi niya saakin.
Ewan ko pero feeling ko pumait yung ngiti ko. Trabaho, Larissa. Trabaho. "Wow, ang cute naman ng hawak mong teddy bear. Mahilig din sa ganyan si Doctora dati eh. Yung big.. big.. teddy bear!" Sabi ko.
"Bigay po 'to ni Daddy ko." Ani niya
Napatigil ako at hindi ko alam pero kusa akong napatingin kay Adriel na nakatingin din pala saakin! Tuloy ay napabalik ang tingin ko kay Angelei! Gulat ka na nyan sis?
"Hmm," Nakangiti na tatango-tangong sabi ko. "How old are you na?" Marahang sabi ko.
"7 year old po." Magiliw na sabi niya.
Tanginez, confirm. Anak niya 'to. Talagang sakto pa yung taon ng batang 'to sa taon na naghiwalay kami! So in short, sa kanya talaga galing si Angelei. Dugo at laman niya yung batang 'to, proven na talaga.
BINABASA MO ANG
Love to Attain (Squad Series#2)
Teen FictionLarissa Therese Hortaleza, ang pinakamadaldal sa barkada. Well, alam naman niya yun dahil obvious naman na. Akala mo ay hindi siya nauubusan ng storya sa sobrang pagka-chismosa. She was born extrovert, she'll talk when she wants to. Anywhere and any...