Chapter 8

136 4 0
                                    

Weeks na ang lumipas at hindi na uli kami nagkita. Okay lang naman saakin yun, kasi nagchachat parin kami. And wait, hindi na ako yung nagfifirstmove! Hindi ko alam kung bakit niya pa ako chinachat pero di ko talaga itatanggi na gusto ko yun! Syempre, sino bang hindi matutuwa kung kausap mo si crush?! Pero recently, pareho kaming naging busy. Malapit na yung bar exam nila, ako naman malapit na yung midterm exam. Kaya yun.. pero wala namang araw na hindi kami nagkausap.

Pero sa ginagawa naming 'to, mas naguguluhan lang din ako. Alam niyo yun? Parang oo, nagchachat nga kami, nagdate na din pero... Ano ba talaga kami? Pampalipas oras lang ng isa't isa, ganun? Pero bago yun, itong midterm ko muna yung iisipin ko!

Nandito ako ngayon sa may Cafeteria at mag-aala Briella Mayen sana ako ngayon pero bwinisita ako ng mga kaibigan ko. Akala ko pag nagpunta din ako dito sa tambayan ni Bri tatahimik din yung buhay ko, pero nandito rin pala silang lima.

"Ano ka ba sis! Midterm lang yan, maganda ka!" Sabi ni Pat na dinadaldal ako kanina pa.

Napahilamos ako sa mukha ko. "Takte Pat, anong magagawa ng ganda sa midterms ko? Papasa ba ko dun?!"

"Atleast sinabihan kita ng maganda, wag na pachoosy." Mataray na sabi ni Pat.

"Pati ako nabwisita eh." Angil ni Briella.

"Ang ingay, jusko." Sabi ni Sab habang nagbabasa ng libro.

"Masanay na tayo." Sabi naman ni Rhianne.

"Napakasama ninyo saakin, parang walang pinagsamahan." Nagtatampo kunong sabi ni Pat.

"Angganda mo din kasi tumayming Pat eh, kung kelan midterms pa." Saad ko at nilipat yung sunod na page ng libro ko.

"Score doesn't matter, sabi nga nila daig ng madiskarte ang matalino." Pagdadahilan niya pa.

"Pakiabot ng stapler ko, please." Sabi ni Briella na parang may hinihingi. "Iistapler ko yung bibig ng babaeng polsci na 'to."

"Magbigay na kayo." Gatong naman ni Sab.

"Pat nakita mo 'tong libro ko?" Saka hinarap sa kanya yung libro ko. "Ang kapal diba?" Sabi ko na parang nagbabanta.

"Ansama niyo kay Pat." Sabi ni Rhianne. "Pero Pat, ansarap mo kasi talagang busalan."

Ngumuso si Pat saka humalukipkip. Mabuti naman at nanahimik na siya ngayon. Ewan ko ba sa babaeng 'to, parang walang plano sa buhay niya. Nilabas niya na lang yung phone niya at nagscroll. Bumalik nalang ako sa pagbabasa dahil malilintikan ako sa kuya kong bakulaw kung hindi ako papasa.

Pero maya maya pa ay tumunog yung phone ko na nakapatong sa mesa. Si Kuya Adriel kaya 'to? Tinignan ko kaagad kung sino yun, pero akala ko nanahimik na ang gaga! Gumawa lang pala ng kahunghangan.

Patricia Rosian Marquez tagged you in her post.

Tinignan ko yung pinost niya, at talagang baliw na siya. Picture naming apat yun na nagbabasa ng libro at may caption na.

For sale: Kaibigan
Issue: Di na ko gustong maging kaibigan,,,, huehue😭😭

Pamine nalang fhoe, on hand na.

"Gaga ka talaga!" Sabi ko kay Pat at inirapan sya.

"Online selling ng kaibigan." Sabi niya at tumawa.

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon