Chapter 31

137 3 0
                                    

Matapos yung lunch na yun, he started texting me again. Ewan ko kung bakit, well di naman na ako magugulat kung alam niya ang number ko dahil nandun yun sa reseta na binigay ko nung nagpacheck up si Angelei. Pero nagulat lang ako sa part na tinetext niya na naman ako, kasi wala naman ng dahilan para itext niya pa ako. Hindi ko alam kung anong dahilan niya, nirereplayan ko nalang siya.

Nakakapanibago, hindi ako sanay na nagchachat siya saakin. Eh kasi naman diba?! 9 years na kaming hiwalay! Sinong di maninibagoEwan pero pag magkachat kami, alam ko sa puso ko na merong saya dun.  Hindi ko naman idedeny pa, aminado naman talaga ako. Pero pag maiisip ko na bakit niya yun ginagawa, nanlulumo lang ako uli. Diba, may asawa na siya? Niloloko niya rin ba siya? Ayoko maging kabet 'no!

Nandito lang ako ngayon sa loob ng Clinic Room ko at wala akong ginagawa ngayong araw na 'to. Tapos na ako sa lahat, nakapagrounds na ko at naayos ko na yung nakapagchart na din. Kaya nga, sitting pretty lang ako dito sa swivel chair ko. Nagphophone ako nung may pumasok sa loob ng Clinic Room ko. Napatayo ako, mamaya pasyente pala. Pero napangiwi nalang din ng makita kung sino yun. 

"Oh, napadalaw ka uli?" Sabi ko sa kanya. 

"I just want to." Sagot ni Adriel, oo siya yung pumasok. 

"Tsh, di ka man lang nagsabi na dadalaw ka dito." Sabi ko saka umupo na uli. 

"Tch, what if I told you? Magpapahanda ka ba ng red carpet?" Tudyo niya

"Isang mais na naman ang natagpuan dito sa loob ng Clinic ko, keep it up." Nakangising tudyo ko  rin saka umupo na sa swivel chair ko. Umupo siya dun sa upuan sa tapat ng mesa ko.

"Wala kang ginagawa ngayon?" Tanong niya.

Tumango ako. "Waley, tapos na ko sa lahat ng gagawin ko eh." 

"You're very hardworking, huh." Sabi niya. 

"Di naman 'no, eme mo." Sabi ko. "Eh ikaw? Wala ka bang trabaho ngayon? Hindi porke't may firm ka eh lakwatsyero ka na din 'no. Aba, hindi po tambayan ang Clinic ko, paalala ko lang." 

"I'm also done with my papers." Sabi niya. 

"Workaholic ka din naman pala eh." Sagot ko sa kanya. 

At simula din nung naglunch kami ng magkasama, medyo nagiging komportable na kami. Paramg ngayon, medyo nabibiro biro na namin yung isa't isa, atleast kahit papano diba. Ang assuming ko banda diyan ha, baka mamaya ako lang pala. Bigla ay nagsnooze yung phone ko, tinignan ko kung sino yun, si Briella ghorl pala . 

From: Briella

Sisamss! Pwede ba paiwan muna sayo si Kaizer? Jusko, nag-day off kasi yaya niya eh, birthday nung anak. 

Busy ka ba ngayon? Jusko sisams.

Bahagyang nanlaki yung mata ko at nilingon si Adriel na nakatingin din pala saakin. Binalik ko yung tingin ko sa phone nung magsnooze uli iyon. 

From: Briella 

Sis, papunta na ko sa Clinic mo, nasa elevator na kami hehe. No choice ka na, labyu sisams.

Napamaang ako, gagang 'to! Tinanong pa ko eh no choice naman pala. Tumayo ako saka inayos yung lab coat ko. "Where are you going?" 

"Ah, may susundu---" 

"Larissa! Pabantay kay..." Biglang bumukas yung pinto at iluwa nun si Briella dala si Kaizer, anak niya. Bigla ay humina yung boses niya nung mabalingan si Adriel. "Oh, hi..?" Nahihiyang bati niya kay Adriel. 

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon