Special Chapter

206 6 0
                                    

Nandito ako ngayon sa garden ng bahay namin ni Noah at patuloy na inaayos yung set-up ng birthday ni Andi. Isang taon na siya ngayon, talagang napakabilis lang ng oras. Parang kailan lang nung maglabor ako sa kanya, pero ngayon ay isang taon na siya. Talagang hindi mo mamamalayan ang oras kapag masaya ka palagi.

Nag-aayos ako ng mga upuan ng may humawak sa bewang ko. At syempre, sino pa ba iyon? Edi ang asawa ko, pabango palang niya alam ko na. Shet, kakilig sabihin yung asawa ko!

"I hired caterer so you'll not get tired, but ypu keep on arranging things, Baby." Sabi ni Noah.

Nilingon ko siya saka ngumiwi. "Gusto ko lang naman na maging maayos yung 1st birthday ni Andi."

"Let them do that." Turan ni Noah.

Tumango nalang ako. "Nasobrahan ka naman sa tender love at care mo saakin, Noah."

"Tch." Nakangising sagot niya lang saakin. "You should prepare too, malapit na yung simula ng birthday ni Andi."

"Sige, tsaka bibihisan ko na din si Andi." Sabi ko.

"Hmm," Sagot ni Noah saakin saka humalik sa pisngi ko at bumulong. "Don't dress to much, I'll just undress you later."

Napamaang ako sa sinabi niya at biglang napalo yung braso niya. "Noah, mamaya may makarinig sayo." Saka ngumuso.

"Tch, like I care." Saka siya ngumiti.

"Hay nako, magbibihis na nga ako at baka kung saan pa mapunta yung usapan na 'to."

Narinig ko pa na mahina siyang tumawa bago ako umalis dun. Nagpunta ako sa kwarto namin at naligo na saka nagbihis na din. Nasa yaya niya si Andi kaya nakakakilos pa ako. Matapos ko magbihis naglagay lang ako ng light make up para naman mukha akong presentable diba? Nakakahiya naman kung mukha akong losyang dun. At saktong pagtapos ko, saka naman dumating yung yaya ni Andi na buhat siya.

"Maam, ito na po si Andi." Sabi nung Yaya ni Andi.

"Ay salamat Ate," Turan ko at kinuha na sa kanya si Andi. "Nga pala, magbihis ka na din Ate ng bongga dahil magsisimula na." Saka pa ako nagbaba taas ng kilay.

"Ah sige po, Maam." Sabi ni Ate. "Una na po ako Maam."

"Sige, Ate." Sagot ko, tinanguan pa niya ako ng isang beses bago tuluyang umalis. Nilingon ko ang anak ko na nakatitig saakin. "Ready ka na ba, my little princess?" At bahagya siyang kiniliti.

Napabungisngis ang anak ko, pag naririnig ko na tumatawa yung anak ko, parang yun na ang pinakamagandang music sa balat ng buong sansinukob. Inupo ko si Andi sa kama saka ko siya binihisan. Isa iyong pink dress na may ribbon sa likod. Sinuotan ko din siya ng crochet headband na kulay pink din at saka sapatos. Penk na penk ang anak ko, nays.

Binuhat ko siya uli at iniharap sa salamin. "Ang cute naman ng Baby na ito, manang mana sa Mommy!" Saka humalik sa pisngi niya.

Muli ay nakita ko bumukas yung pinto at iluwa nun si Noah. Nakasuot siya ngayon ng dress shirt na nakatuli ang sleeves hanggang siko at pants.

Nilagay niya ang baba niya sa balikat ko, hindi niya ako mayakap dahil buhat ko si Andi. "You two look gorgeous." Malambing na turan niya.

Tinignan ko siya mula sa salamin at binalingan ang anak namin. "Ganda daw ikaw, Baby ko?"

"Tch, of course, we're the parents." Sagot ni Noah.

Napangiti ako. "Tama nga naman, hindi naman sa nagmamayabang tayo pero parang ganun na nga."

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon