Note: R-18
Matapos ang proposal ni Noah ay di ko alam kung tatawa ba ako o hindi dahil kami ding dalawa ang nagtanggal nung mga petals na nasa kama na hihigaan naming dalawa. Nays one, napakagaling. Pero hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na talagang matatawag ko na siyang fiancè. Dati nangangarap lang ako na maging magjowa kami, pero ngayon ay mapapangasawa ko na siya.
"Tsh, angganda ng proposal natin ha." Sabi ko sa kanya na ngayon ay tinatabi yung mga lobo na nasa sahig sa isang gilid. Sabi niya ay itapon na daw pero di ko pa pinapatapon, sayang naman kasi.
"Tch." Natatawang singhal niya lang.
Maya maya pa ay nagsnooze yung phone ko na hawak hawak ko. Umupo ako sa kama namin saka binuksan yung phone ko para tignan kung ano yun. Puro notifications yun sa mga nagcomment sa post ko. Nagpost kasi ako ng singsing na nasa daliri na merong caption na Just Engaged. Pero una kong tinignan yung GC namin na may mga chat na din ng mga lokrita.
Patricia: WELCOME SA MARUPOK CLUB, LARISSA!
Sabrina: Ayii, dalaga na si Aling Tere.
Briella: Bumigay din ang gaga kay fafa Adriel.
Rhianne: Nays one, mag-isa nalang ako dito.
Sabrina:@Rhianne, uso kasi magjowa ghorl.
Briella: Sa truuu, napakatabang ng lovelife mo.
Patricia: Anyways, Congrats Larissa!
Briella: Congrats saiyo kaibigan! Abay kami sa kasal ha.
Sabrina: Congrats saimo dzai, wish ko sayo manganak ka ng isang dosena.
Rhianne: Congratulations ghorl, sana wag ka na maging madaldal.
Napangiti nalang ako sa mga chat ng kaibigan ko saakin. Kailangan ko ba mag-long message?
Larissa: Salamat gaisss, invited kayo sa kasal, wag kayong mag-alala. Pero regalo muna ha, pwede naman na yung house and lot.
Briella: House in pot, pwede? Okay, korni.
Sabrina: Hingi ka kila Bri, bibigyan ka niyan ng bahay.
Rhianne: Pag di ka binigyan, sabihin mo friendship over.
Patricia: Oo nga, pero dzai, wala bang putukan na magaganap?
Bigla ay nanlaki ang mata ko sa huling chat ni Patricia. Peste talaga 'tong babaeng 'to. Nilingon ko si Noah na ngayon ay nagtatanggal parin ng lobo sa kisame.
Larissa: Gaga ka, anong putukan?! Siraulo, ang green mong hayop ka.
Patricia: Duh?! Fireworks kasi yun, uso kaya yun sa proposals.
Briella: Oo nga, wala bang putukan?
Sabrina: Madami ba yung putukan dyan? Maingay ba?
Rhianne: Mahabaging emre, patnubayan niyo nawa ang aking mga kaibigan.
Napapikit nalang ako sa mga kaibigan ko, kingina talaga nila! Nilingon ko uli si Noah at nandun parin siya kaya nagtipa uli ako ng isasagot.
Larissa: Mga siraulo kayo, kung ano ano iniisip niyo.
Briella: Wow, ikaw kaya yun, fireworks yung iniisip namin, iba yung nasa isip mo dzai.
Sabrina: We ar inusint.
Rhianne: Ako lang mabait dito.
Patricia: Kaya nga, diba pwedeng mahilig kami sa fireworks display? Ror.
BINABASA MO ANG
Love to Attain (Squad Series#2)
Fiksi RemajaLarissa Therese Hortaleza, ang pinakamadaldal sa barkada. Well, alam naman niya yun dahil obvious naman na. Akala mo ay hindi siya nauubusan ng storya sa sobrang pagka-chismosa. She was born extrovert, she'll talk when she wants to. Anywhere and any...