Isang linggo na ang lumipas at hindi ko na uli nakita si Kuya Adriel. Pero sa isang linggo na yun, tinatanong ko parin sa sarili ko if sila na nga ba ni Ate Yvette. Nahihiya naman akong magtanong sa kanya o kay Kuya Lawrence 'no, judgerist pa naman yung bakulaw kong kapatid. Pero paano nga kung sila na?
Sister zone na naman ba akiz?
Nandito ako ngayon sa bahay namin at tambay lang ako ngayon dito. Last day na ng Sembreak namin ngayon at feeling ko isang kurap lang yung isang linggo. Minsan nakakaburyong din pala yung walang ginagawa. Kaya naisipan ko nalang na mag-ayos ng kwarto ko para naman di mukhang junkshop yung kwarto ko sa sobrang kalat. Ang speed naman ng sembreak, CIS baka naman?
"Iniisip ko kung bakit ganito ang langit, nilayo ako sayo~~" Pagkanta ko habang nagwawalis ng kwarto ko.
Pero tumigil yung pagpapatugtog ko nang magring yung phone ko. Sa isang linggo na yun hindi na nagchat saakin si Kuya Adriel. Well, ayoko namang magdemand sa kanya na ichat ako pero umaasa parin ako. Kinuha ko yung phone ko sa may kama ko at tinignan kung sino yun. Si Anthony yung tumatawag, kala ko si Kuya Adriel na.
Awit naman eon, hehe.
Sinagot ko yung tawag niya. ["Hey."] Bati niya agad saakin.
["Oh? Nagpatawag ka?"] Tanong ko.
["Bawal ba?"] Tanong niya pabalik.
["Tsh, ano nga?"] Tanong ko uli.
["Masama ba?"] Tanong niya rin.
Napairap ako sa hangin. ["Magtatanungan nalang ba tayo dito o sasagutin mo ko? Takte."]
["Edi sinasagot na kita."] Usal niya.
Hindi ko alam irereact ko sa sinabi niya. Tatawa ba ko o mabibwisit dahil di niya ako sinasagot ng maayos.
["Bababaan kita ng tawag, tamo."] Sabi ko.
["Di ka mabiro 'no."] Sabi niya.
["Eh bakit ka nga kasi tumawag?"]
["Pwede mo ba kong samahan sa mall? May bibilhin lang ako."]
Nangunot ang noo ko. ["Grabe, gaano karaming paper bag ba ng SM ang bibitbitin mo para isama pa ko?"]
["Tch, di ko kasi alam kung bagay ba saakin. Wala akong masama eh, dali na."] Pamimilit niya.
Napaisip ako, wala rin naman akong ginagawa kaya siguro pwede ko na din siyang samahan. Tsaka nabuburyong na din ako dito kaya okay na din siguro yun.
["Sige, G ako."] Sabi ko.
["Susunduin--"]
["Wag na ako nalang pupunta dyan, basta libre mo ko ha."]
["Ano pa nga ba?"]
["Sige na at naglilinis ako ng kwarto, 4PM sharp. Bye!"] Saka pinatay ko na yung tawag.
Tinapos ko muna yung paglilinis ko ng kwarto ko saka saglit na nagpahinga at naligo. Simpleng damit lang yung sinuot ko, di naman dinner date yung pupuntahan ko 'no. Nag UV express ako papuntang mall. At napakagaling ko din talagang babae minsan. Ang sabi ko sa kanya 4PM sharp kami magkikita pero 4:20PM na ako dumating.
Sisihin mo yung traffic.
"Tch, 4PM daw." Pagpaparinig niya nang magkita na kaming dalawa.
"Wag ka ng magreklamo, sinamahan na nga kita eh." Sabi ko. "Tara na."
"Hmm, sabihin mo kung anong bagay saakin ha." Sabi niya tumango lang ako.
BINABASA MO ANG
Love to Attain (Squad Series#2)
Teen FictionLarissa Therese Hortaleza, ang pinakamadaldal sa barkada. Well, alam naman niya yun dahil obvious naman na. Akala mo ay hindi siya nauubusan ng storya sa sobrang pagka-chismosa. She was born extrovert, she'll talk when she wants to. Anywhere and any...