Kinabukasan nun, syempre kailangan ko parin pumasok! Na kahit masakit ng beri layt yung ulo ko, pumasok parin ako. Pero talagang walang konsiderasyon yung kapatid kong ugok. Binungangaan pa ako ng walang tigil, dinaig niya pa si Mama. Kesyo ganito, kesyo ganyan pero iisa lang din naman yung sinasabi niya. Feeling ko pumipitik yung ulo ko, tas dadagdagan niya pa jusko!
Anggaling din kasi ng timing ng kapatid ko eh.
Uminom lang ako ng gamot saka pumasok. Pero pagdating ko sa university, daig ko pa yung high dahil sa pagkalutang. Eh paano ko ba naman kasi maiintindihan yung sinasabi ng prof ko kung ang sakit ng ulo ko?!
"Ms. Hortaleza?!" Tawag saakin ng prof ko. Nagising tuloy ako sa pagkakatulala.
"Maam?!" Maagap din na sabi ko, nadinig ko pang bumungisngis yung mga kaklase ko.
"Are you still listening?!" Masungit na sabi ng prof ko, akala mo may dalaw.
Napatungo ako. "Yes Miss." Mahinang sagot ko, mas nadinig ko pa yung bungisngisan ng mga tao.
Mga pisti kayo, parang walang pinagsamahan!
"Kung hindi ka din naman nakikinig sa mga sinasabi ko, the door is open for you to drop my classes." Mataray na ani ng prof ko, napanguso ako. "If you want to pass my subject then wag kayong lutang na papasok sa klase ko." Saka humarap na uli dun sa may projector para magturo.
Padabog akong umupo, hindi ko alam pero naiinis talaga ako! Kasi naman eh, bat ba ako uminom ng marami?! Antanga ko sa part na yun, inaamin ko. Tuloy, napahiya pa ako sa mga kaklase ko. Nakinig nalang ako sa pinagsasabi ng prof ko kahit ang totoo pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa yung nangyayari saakin.
Matapos ng klase ko sa subject na yun, binuksan ko muna yung phone ko. Simula kaninang umaga, hindi ko pa binubuksan yung phone ko. Bakit? Simple lang naman. Pang-aaaar lang yung makikita ko sa group chat namin. At hindi nga ako nagkamali.
Patricia: Larissa Therese nasaan ka na? Di na aq galit, uwi ka na dito huehue,,,,
Sabrina: Yari tayo kay Tita, wala akong pampalit kay Larissa.
Rhianne: Kung nandito ka man Larissa, pakigalaw naman ng baso.
Briella: Anong ganap? Wala akong alam shems.
Napapikit ako sa mga sinasabi nilang apat! Mga maissue kayo!
Sabrina: Naglayas si Larissa, sumakabilang kotse kagabi.
Rhianne: Hindi gumalaw yung baso, magsisindi ako ng kandila.
Patricia: Nako! Hindi namin kasama pauwi si Larissa. Hindi na ako magtataka kung makita ko siya sa soco.
Briella: Sabay sabay po nating ipagdasal ang sumakabilang sasakyan nating kaibigan na si Larissa Therese Hortaleza.
Sabrina: Nakakadifreeze naman fhoe,,, :)))))))
Rhianne: Nakapagsindi na ko ng kandila.
Patricia: Sagot ko na kape at kornik.
Briella: Pamisa nalang saakin.
Hindi ko alam pero mas nanlumo ako sa sinabi ng mga babaeng 'to. Feeling ko mas nauna pa yung burol ko kesa sa pagkapatay ko. Humihinga pa ako, may pasindi na ng kandila.
Larissa: Shuta kayo, wag kayo magpapakita saakin at una ko kayong papatayin.
Pinatay ko na yung phone ko para sa next class ko. Bahala na sila dyan, mga maissue. Pero sa kabilang banda, may naalala ako. Dahilan para mapatigil ako sa pagliligpit ko ng gamit ko.
BINABASA MO ANG
Love to Attain (Squad Series#2)
Teen FictionLarissa Therese Hortaleza, ang pinakamadaldal sa barkada. Well, alam naman niya yun dahil obvious naman na. Akala mo ay hindi siya nauubusan ng storya sa sobrang pagka-chismosa. She was born extrovert, she'll talk when she wants to. Anywhere and any...