Chapter 32

147 3 0
                                    

Nandito parin kami sa loob ng Clinic ko at nagbabantay kay Kaizer na parang hindi nauubusan ng enerhiya sa katawan. Hindi ko alam kung nasobrahan ba 'to sa vitamins ngayon araw o talagang ganito siya. Pag nandito naman siya sa Clinic ko, hindi siya ganito kakulit. Briella ghorl, baka naman pasundo na, ano?

"Pagod ka?" Natatawang sabi ko kay Adriel na ngayon ay halatang pagod na. Mag-5PM na din, nagtataka nga ako at nandito pa siya.

"Tch." Maliit na ngiting singhal niya lang.

"Ganito din ba kakulit anak mo?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya habang nakatingin kay Kaizer na paulit-ulit na shino-shoot yung bola. Pero nakita ko na bigla mawala yung maliit na ngiti niya at dun ko lang din napansin na may mali sa sinabi ko. "I mean... si Angelei." Saka nag-iwas ng tingin.

"Ahmm, sometimes." Maikling sabi niya lang. Di ko malaman kung iniiwas niya ba yung topic o talagang yun lang sagot niya.

"Hmm, anong mga paborito niya?" Tanong ko muli. Ewan ko ba kung bakit ko rin tinatanong 'to.

Nakita ko na mapatitig siya ng saglit saka mahinang bumuntong hininga. "Chocolates and kahit anong sweets."

"Kaya naman pala nagka-tonsillitis." Nakangiwaing sabi ko. "Anong grade niya na ngayon?"

Hay nako selp! Ang daldal ha, bahala kang masaktan.

"Grade 2." Sagot ni Adriel.

Tumango ako. "Hmm, ang haba pa ng lalakbayin niyang pag-aaral." Yun nalang ang nasabi ko.

Saglit na katahimikan ang bumalot saaming dalawa at pareho lang naming tinitignan si Kaizer na naglalaro parin dun sa isang gilid. Nang maya maya pa ay magsalita siya.

"How about you? What are your plans about having a family?" Di ko aakalain na diretso niyang itatanong saakin yun!

Napabaling ako sa kanya na talagang gulat yung ekspresyon. Naka-poker face lang siya at nakatingin saakin. Di ko alam kung ilang beses akong napalunok bago sumagot. "Ewan ko, depende."

"You're turning 32 this July 24, right?" Tanong niya.

Napamaang ako, alam niya pa birthday ko?! "Ahmm, Oo."

"Hmm, wala ka paring balak?" Tanong niya.

"Wala, depende na siguro kung may ibigay man saakin." Sabi ko. "Kung wala edi.. okay."

"Don't you see yourself as a mother?" Tanong niya. Hindi ko talaga alam kung paano kami napunta sa usapang 'to!

"Hindi naman sa hindi pero parang ganun na nga." Walang sense na sabi ko. "Kung di biyayaan ng baby, siguro ganun talaga ang gusto ni tadhana. Wala naman na kong magagawa dun."

"I can be your baby.." Mahinang sabi niya.

Bigla ay nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napamaang. Ewan ko pero feeling ko may mga butterfly sa tiyan ko na umiikot! Tanginez, Larissa! Wag ka ngang marupok na depongal ka! Masyado ka ng gurang para diyan! Ayoko mag-assume dahil kanina ko pa hindi naririnig ng tama yung sinasabi niya pero di ko maiwasan yung ganun pakiramdam.

"Pa..kiulit nga ng sinabi mo..?" Nag-aalangan na sabi ko.

Akmang magsasalota na siya nung bumukas yung pintuan at iluwa nun si Briella at Kairus! Nakita ko na ngumisi pa siya ng maliit bago tumayo. Napapikit pa muna ako atsaka maninang bumuntong hininga saka tumayo na rin. Anggaling mo tumayming Briella, idle na kita.

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon