"Class dismiss." Anunsyo ng last Prof ko ngayong araw.
Linggo na ang lumipas at hindi na naman kami nakapagkita ni Noah. Pero gaya ng sabi ko, iniintindi ko nalang siya. Tsaka medyo nagiging busy na din ako habang mas papalapit ng papalapit na matapos na yung 1st semester ko. Siguro good opportunity na din yung para makapagfocus ako sa pagkakabisado at pag-aaral. Kaya kapag hindi kami magkausap sa phone ay nag-aaral nalang ako.
Minsan, natry na din namin na habang on call kami, sabay kaming nag-aaral. Kailangan nga lang namin imute yung sa sarili namin para di kami madistract sa isa't isa. Ang hirap kaya nun, yung kaso na inaaral niya mamaya maging part pa ng anatomy sa utak ko 'no! Kaloka.
Inayos ko yung gamit ko sa bag ko saka lumabas ng room para umuwi na. 6PM na ngayon kaya kailangan ko nang umuwi dahil tuwing 8PM eh traffic na at unti unti ng nawawalan ng masasakyan. Pero palabas palang ako ng University nang magsnooze yung phone ko.
From: Adriel
Hey, where are you?
Nagtipa ako ng isasagot sa kanya.
To: Adriel
Pauwi na, dito na ko sa palabas ng univ.
From: Adriel
Stay there, I'll fetch you.
Bahagyang nanlaki yung mata ko sa tinext niya, wow, di ba siya busy? Gaya ng sabi niya, di ako umalis sa pwesto ko at inantay nalang siya. Nakatingin lang ako sa phone ko habang inaantay siya nang may humawak sa kamay ko. Feeling ko nanlamig yung katawan ko pero nung makita ko kung sino yun, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.
"Jusko Noah, ikaw lang pala." Nakangusong sabi ko saka hinawakan pa yung dibdib ko.
Nagtaas siya ng kilay, kahit medyo madilim na ay nakita ko parin dahil sa ilaw ng poste. "Expecting someone other than me?"
"Oy hindi ah! Nagulat lang talaga ako sayo, nakakagulat kaya yung paghawak mo sa kamay ko." Sunod sunod na sabi ko. "Ikaw naman kasi, may pa special entrance ka pa, kailangan mo pa talaga akong gula---"
Natigil ako sa pagsasalita nang dampian niya ng halik yung labi ko. Dampi lang talaga yun, di tulad nung halik na matagal. Yun na yun?! More! Yung kilay niyang nakataas kanina, nakangiti na ngayon. Ngumiwi nalang ako sa kanya, kulang yun.
"I'm just joking Therese, but you're mouth is..." Di niya tinuloy yung sasabihin niya nang makita akong sumimangot.
"Edi wow, grabe ka saakin!" Pagmamaktol ko kuno.
Di ko inaasahan na hahalikan niya yung likod ng palad ko na hawak niya, feeling ko rurupok na naman ako sa kanya. Attorney moves eh. "I missed you, Therese."
"Sorry, I don't miss you eh." Biro ko sa kanya pero nakita ko na tumaas yung kilay niya kaya natawa nalang ako. "Charoz lang naman Noah, di ka rin mabiro eh."
"Tch," Singhal niya nalang. "Saan mo gusto kumain?" Saka kami nagsimulang maglakad.
"Wow, is dis wat yu call 'pambawi' master?" Tudyo ko sa kanya, umiling iling siya habang nakangisi. "Libre mo ba?"
"Hmm." Tatango-tangong sagot niya saakin.
Tumango ako saka tumingin sa taas na parang nag-iisip. "Dyan nalang sa may KFC sa tapat ng university, nagkicrave ako sa gravy nila eh."
"Really? Gravy?" Natatawang sabi niya.
"Oo! Minsan nga two in one na yung gravy nila eh. Pwedeng pangsabaw tas pwede na ding pang-ulam. Tipid din yun, Noah!" Saka ako tumawa.
BINABASA MO ANG
Love to Attain (Squad Series#2)
Teen FictionLarissa Therese Hortaleza, ang pinakamadaldal sa barkada. Well, alam naman niya yun dahil obvious naman na. Akala mo ay hindi siya nauubusan ng storya sa sobrang pagka-chismosa. She was born extrovert, she'll talk when she wants to. Anywhere and any...