Chapter 19

115 4 0
                                    

Years have passed and guess what?! Two years na kami ni Noah malavs! Ewan pero sobrang bilis lang talaga  ng mga araw na lumipas saamin.   Parang kahapon lang nung bigyan niya ako ng stethoscope pero ngayon ito na, 1st year ko na sa med school! Mahaba haba pa yung lalakbayin ko pero syempre, tiis lang ang kailangan para maging Doktora talaga ako. Ganun naman talaga eh, sabi nga nila pag may tiyaga, may adobo. Charozzz! Nilaga kasi yun, eme ko.

Pero nakakalungkot lang sa dalawang taon na lumipas, andaming nangyari saaming magkakaibigan. Si Sabrina, umalis na at nagpunta na sa probinsya nila. Si Pat at Rhianne, ayun at nagpunta ng ibang bansa ang dalawa. Si Pat daw dun na mag-aaral, tas si Rhianne dun na daw titira kasama ng Mommy niya. Samantalang si Briella naman, ayon at naghahabol ng mga kailangan niyang habulin. At sadly, naghiwalay na sila ni Kairus.

Kwinento lahat saakin ni Bri week after umalis ni Kairus papuntang Nevada. At talagang gusto kong tirisin yung hipokritang nanay ni Kairus! Pero wala eh, selfless yung pagmamahal ni Bri kay Kairus. Kung kailangan niyang magpaubaya, handa siya. Matalino sa academic, bobo sa pag-ibig.

So ang nangyari saakin, naiwan ako mag-isa saamin. Well, iniintindi ko nalang din. Hindi naman pwedeng umikot lang sa pagkakaibigan namin yung buhay nila, may kailangan din silang asikasuhin sa buhay at ganun din naman ako.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Noah at syempre, tamang tambay lang kami dito sa bahay nila. Busy siya dahil syempre, kailangan niya din mag-aral for a new bar exam. Oo, di siya nakapasa nung una niyang take.

"Anong meron ma?" Tanong ko nung makita ko silang magkagulo sa sala.

"Lumabas na yung result ng bar exam!" Sabi ni Mama na nakatingin din dun sa may phone ni Kuya Lawrence.

Nandito sila Noah at Ate Yvette ngayon sa bahay namin at pare pareho naming hindi alam na lumabas na pala yung exam.

"Hor...ta...le..za!" Sigaw ni Kuya Lawrence, napatingin tuloy kami sa kanya. "Mama! Pasok ako! Pasado!"

"Nako Lawrence! Totoo ba?" Tanong agad ni Mama at kinuha yung phone ni Kuya Lawrence.

"Mama naman eh, wala ka bang tiwala saakin? Anak mo ko ma." Nanlulumong untag ni Kuya Lawrence.

"Oo nga anak! Pasado ka nga! Congrats!" Hiyaw din ni Mama saka yumakap kay Kuya. Ngumiwi ako, edi wow. "Congrats Lawrence."

"Sabi sayo Ma eh, makakapasa ako eh." Nakangiting sabi ni Kuya Lawrence.

"Congrats, big bro." Nakangiting sabi ko.

Ngumiwi si Kuya saakin. "Edi wow, Tere. Korni mo, kain ka ng kain ng binatog eh."

Ngumuso nalang ako nang bigla ay nagsalita din si Ate Yvette. "Oh my god! I passed!"

"Congrats Yvette!" Sabi agad ni Mama.

"Congrats." Bati din ni Kuya Lawrence.

"Congratulations, Ate Yvette." Nakamaliit na ngiti na ani ko.

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon