Chapter 6

124 4 0
                                    

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko habang hawak hawak parin yung wallet niya. Hindi ko talaga binuksan yung wallet niya dahil hindi naman ako ganun 'no! Oo, may pagkachismosa ako pero di naman ako pakielamera!

Nakatingin lang ako sa cellphone ko at iniisip kung anong susunod kong gagawin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na nasaakin yung wallet niya. Ichachat ko ba siya o ipapasabi ko nalang kay kuya?

"Takte naman.." Nanlulumong untag ko habang nakatingin parin sa cellphone ko.

Sinearch ko yung name niya sa Messenger... "Noah... Adriel... Azucena." Mahinang anang ko habang nagtatype ng pangalan niya sa search.

Nung makita ko na yung account niya pinindot ko iyon. Pero nung makita ko na online siya, parang nawala yung tapang ko na magfirstmove! Nang maya maya ay may naisip ako.

Bahala na, basta yun na yun.

To: Adriel

Gaga, hindi ganun yun!

Napapikit ako nang masend ko yung message ko. Pinatay ko rin yung phone ko, hiyang hiya ako at hindi ko alam kung bakit! Nang bigla ay tumunog yung phone ko, kinuha ko iyon at tinignan.

Shet! Galing sa kanya! Huhuness!

From: Adriel

Hmm?

Napakagat-labi ako saka nagtipa.

To: Adriel

Ah, wala. Wrong send hehe.

Hindi siya sumagot ng ilang saglit matapos ko magreply. Di ko tuloy alam if matutuwa ako o hindi.

From: Adriel

Really?

Ang ikli naman sumagot, sakit naman nun.

To: Adriel.

Oo nga, sorry sa abala.

From: Adriel

Ano yun? Di ako naniniwala.

Ewan pero napangiti ako sa nireply niya. Dumapa ako sa kama ko saka nagchat.

To: Adriel.

Ano kasi, yung wallet mo nandito saakin.

From: Adriel

Oh, patago nalang muna.

So ano sunod kong ichachat? Ha?!

To: Adriel

Ahmm, pwede ko naman siya ibigay bukas.

From: Adriel

Hindi ako pupunta dyan bukas.

To: Adriel

Edi ako pupunta, meet up.

Hindi uli siya sumagot ng ilang saglit. Hindi ko tuloy alam if nabigla siya sa chinat ko o ayaw niya. "Jusko, tanga mo---" Naputol yung sasabihin ko nang tumunog uli phone ko.

From: Adriel

Ano 'to? Low key'ng nang-aaya ng date?

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! Hindi yun yung ibig ko sabihin, ang pakay ko lang talaga ay ibalik yung wallet niya. Pere keng geshte me ekey leng nemen.

To: Adriel

Hindi ah, ibabalik ko lang talaga yung wallet mo.

From: Adriel

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon