Chapter 13

125 4 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil papasok na ko. Matapos nung usapan namin ewan pero feeling ko di totoo yung lahat! Isipin mo, dati sulyap lang ako ng sulyap sa kanya tas ngayon kami na?! Paano nangyari yun?! Pero nakakalungkot lang na umalis na siya dahil kailangan niya na daw umuwi! May aasikasuhin pa daw siya, di naman ako nagtampo dahil baka bawiin niya na kami na, char! Di ako nagtampo kasi naglate night talks kami!

Shet! Kami na talaga?!

Hindi pa alam nila Mama at Kuya na kami na. Actually di naman ako natatakot sa reaksyon ni Mama dahil ship niya na kami dati pa ni Kuya Adriel. Pero ang problem ko is si Kuya, ano kayang magiging reaksyon niya?! Dahil una sa lahat, magkaibigan sila at duon ako natatakot. Na baka maging judgerist na naman siya.

Nag-aayos ako ng uniform ko dahil papasok na ako sa school nang magsnooze yung phone ko na nasa vanity table ko. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino.

From: Adriel

Hey, papunta ako sainyo.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya saka nagtipa.

To: Adriel

Ha? Bakit?

From: Adriel

Sasabihin ko kay Tita na tayo na.

Feeling ko namula ako kahit di pa ako nakacheek tint dahil sa sinabi niya! Kami na daw?! Bet! Kagat-labi akong nagtipa ng isasagot ko sa kanya.

To: Adriel

Ah ganun ba, okii.

From: Adriel

Hahatid na din kita.

Napangiti ako sa sinabi niya, potragis?! why naman ganyan ka!

To: Adriel

Ahm, okii ingat ka papunta dito.

From: Adriel

Nasa labas na ko ng bahay niyo.

To: Adriel

Hala sige na, mag-aayos na me.

Saka pinatay yung phone ko para ipagpatuloy yung pag-aayos ko ng uniform ko. Matapos nun ay naglagay na ako ng lip at cheek tint saka sinuklay yung buhok ko bago bumaba.

At totoo nga yung sinabi niya, nandun na siya sa may sala Dining Area namin at paktay na dahil nandun din si Mama at Kuya Lawrence na kasabay niyang kumakain. Juskooo! Nang makita ako ni Kuya Adriel ay nakapoker face lang siya na parang wala lang. Palihim ko siyang pinanlakihan ng tingin at nakita kong nagbasa labi pa muna siya bago mag-iwas ng tingin.

Matunaw ako jusko!

"Larissa, kumain ka na at may pasok ka pa." Sabi ni Mama.

Tumikhim ako bago magsalita. "Opo Ma."

Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin si Kuya Adriel saakin habang umiinom sa baso niya. Nang matapos siyang uminom ay nilingon niya yung upuan sa tabi niya. Di ko sure kung tama ako ng intindi pero parang sinasabi niya na dun ako umupo.

"Tere, umupo ka na kaya at naaalibadbaran ako sayo." Sabi ni Kuya Lawrence, tuloy ay no choice ako kundi umupo dun sa tabi ni Kuya Adriel.

Tahimik lang ako habang kumakain ako at nag-uusap usap naman silang tatlo. Ayokong makisali sa usapan nila, ni di ko rin alam kung bakit. Basta ayokong magsalita, bahala na. Kabado bente ka lang.

"Nga pala Adriel, ano ang sadya mo dito?" Tanong ni Mama at talagang tinignan pa ako!

"Ahmm, may sasabihin lang po ako sainyo ni Lawrence, Tita." Sagot ni Kuya Adriel

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon