Chapter 25

139 4 2
                                    

Note: Bad words ;))

Biglang nanghina yung tuhod ko nung masara ko yung pinto ng kwarto ni Ate Yvette kaya napaluhod ako at binaon sa tuhod ko yung mukha ko saka dun umiyak. Galit, inis, sakit, yan lahat yung nararamdaman ko ngayon sa nalaman ko. Gusto kong umiyak ng umiyak, gusto ko siyang hampasin para mawala yung galit ko.

Si Adriel yung tatay, Larissa. Hindi ako.... nagbibiro. Feeling ko nagrereplay sa utak ko yang sentence na yan. Hindi ako makapaniwala, hindi pa nagpaprocess sa utak ko lahat nang nalaman ko sa loob. Parang hindi pa nagfafunction ng tama yung isip ko sa nadinig ko.

"Potangina..." Mahinang mura ko habang humihikbi.

Iniyak ko lang ng iniyak lahat, hindi ko na pinapansin kung may dumadaan ba na nurse o doctor sa harap ko. Gusto ko umiyak, gusto ko lang umiyak. Wala na akong ibang gusto ngayon, gusto ko lang mawala yung sakit. Nang maya maya pa ay bumukas yung pinto ng kwarto, hindi ko tinignan kung sino yun.

"Therese..." Mahinang tawag saakin ni Noah.

"Lumayo ka saakin." Umiiyak na sabi ko. "Lu..mayo ka saakin, please lang."

"Let's talk, please." Sabi niya at naramdaman ko na umupo siya sa tapat ko at hawakan yung braso ko.

Tinabig ko yung kamay niya. "Tanggalin mo yang kamay mo saakin! Tanggalin mo!" Sabi ko.

"Therese.." Tawag niya pa uli saakin.

"Tangina naman kasi Noah oh, paano mo nagawa yun...?" Tanong ko sa kanya.

"I don't know too, lasing ako nung---"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, nakatingin lang siya saakin. "Puta! Ano? Kusang gumalaw yang ari mo papasok sa kanya? Hindi nakapagtimpi yung ari mo?! Ganun ba yun? Ha?" Umiiyak na sabi ko.

"Therese.." Tawag niya lang saakin.

"Wala akong sinabing tawagin mo ako ng paulit ulit, Noah!" Humihikbing sabi ko. "Sagot ang kailangan ko Noah... Sagot."

Hindi siya sumagot saakin at pinunasan lang niya yung luha ko. Akala ko dun lang matatapos yun pero niyakap niya pa ako dahilan para mas maluha ako. Wala na akong lakas para itulak pa siya, wala na akong lakas para ipagtabuyan pa siya. Umiyak lang ako ng umiyak, ito yung kailangan ko.

"Stop crying please.. I'm sorry.." Sabi niya habang nakayakap parin saakin.

"Kasi naman Noah eh..." Untag ko. "M-Mahal na mahal kita... Bakit ganito pa yung ganti mo saakin?" Luhaang ani ko.

"Sorry Therese.."

Mahina kong sinapak yung dibdib niya, gusto kong maramdaman niya yung sakit pero mismong ako yung nanghihina. "Alam mong m-mahal kita, pero b-bat ganito... Bat si Ate Yvette pa!? Bakit?!"

Hindi niya ako sinagot, nakayakap lang siya saakin at hinahaplos yung likod ko. "Tangines, sana man lang kasi diba.. s-nana man lang i-ininform mo ko na n-nagkukulang na pala ako... na may g-gusto ka na palang iba."

Hindi siya sumagot kaya nagsalita pa ako. "Pucha, i-iniintindi naman kita palagi Noah! L-Lahat ng kailangan kong intindihin, g-ginawa ko na. Kasi mahal kita, Noah. Pero b-bat ganito? Kulang pa ba yun sayo? K-Kulang pa ba ko?"

"No... don't blame yourself Therese." Sabi niya.

"Kung hindi ako, bat naging ganito?!" Frustrated na sabi ko. "Kelan pa nagsimula Noah..? K-Kelan ka pa nagsisinungaling Noah..."

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon