Matapos akong ihatid ni Kuya Adriel feeling ko nasa ulap parin ako. Sanaol may kasayaw sa ulap. Pero sa totoo lang, ang swerte swerte ko parin! Isipin mo yun?! Sinakay niya ako sa kotse niya tas hinayaan niya akong hawakan yung pisngi niya! Kung ako lang hindi ko na huhugasan yung kamay ko. At hindi lang yun, concern pa siya saakin. Pafall ka naman fhoe.
Pero ang kapatid kong bakulaw, sinermunan pa ako pagkadating ko. Well, expected ko naman na din yun. Pero grabe lang talaga ha, as in pagkabukas ko ng pinto ng bahay ang bungad agad saakin 'Yan, magdala ka kasi ng payong mo. Anlaki laki mo na, payong nalang di mo pa madala.' at hindi lang yan, may pahabol pa siya dahil special ako. 'Magpapasundo ka pa saakin, pero paggumagala ka nakakauwi ka.'
Oh diba? Sinong matutuwa nun?!
At dahil ayokong masira yung good mood ko dahil sa paghatid saakin ni Kuya Adriel, eh hindi ko nalang siya pinansin. Basta masaya ako, tapos ang usapan.
Nandito na kami ngayon sa mesa at kumakain ng hapunan nag-uusap sila Mama at Kuya samantalang ako iniisip ko parin yung kanina. Ewan ko, parang hindi ata ako makakatulog mamaya dahil paulit ulit akong mag-iimagine mamayang gabi.
Ay shet, aalis pala kami!
Tumikhim muna ako para maagaw yung atensyon nila. "Ahmm Ma."
"Nak?" Tanong ni Mama.
"Aalis po ako mamaya, kami nila Pat." Paalam ko.
"Tch." Sarkastikong singhal ni Kuya Lawrence. "Umuulan na't lahat, aalis ka pa."
"Kuya.." Nguso ko.
"Tumigil ka, hindi ka aalis." Striktong sabi niya. "Isasako ko damit mo pag tumakas ka."
"Grabe ka, Lawrence." Saway ni Mama.
"Mama naman, concern lang ako." Reklamo din ni Kuya. "Pagnilagnat yan dahil naulanan? Ano mangyayari? Ang hirap hirap painumin ng gamot niyan eh."
"Hay nako." Usal ni Mama. "Basta payag ako, basta sila Pat lang ang kasama mo."
Ngumiti ako kay Mama. "Thank you Ma."
Ngumiwi si Kuya. "Ah basta, kung aalis ka isusunod ko yung damit mo."
Sarkastiko akong ngumiti. "Di mo magagawa iyon Lawrence."
Inirapan ako ni Kuya. "Lawrence huh?"
Namilog ang bibig ko. "Sorry, Kuya Lawrence pala hehe."
Nagpatuloy na kami sa pagkain matapos ng usapan na iyon. Pagkatapos ko kumain, umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis. For sure, maya maya nandito na si Pat. Ang suot ko lang ay blue cami top at denim skirt. Nagdala lang din ako ng sling bag ko para panlagay ng mga kung ano anong abubot na kailangan ko.
At hindi nga ako nagkamali, maya maya pa ay nagchat na saakin si Pat.
From: Pat
Nandito na ko, bumaba ka na dahil malamok bhie.
Natawa ako saka nagchat din.
To: Pat
Mag-antay ka. Atsaka wag na choosy, nagagandahan lang sayo yung mga lamok.
Naglagay lang ako ng lip at cheek tint para naman di ako mukhang losyang saka bumaba. Naabutan ko si Mama dun, wala na si Kuya sa sala. Siguro nasa kwarto na niya, ewan ko lang.
BINABASA MO ANG
Love to Attain (Squad Series#2)
Teen FictionLarissa Therese Hortaleza, ang pinakamadaldal sa barkada. Well, alam naman niya yun dahil obvious naman na. Akala mo ay hindi siya nauubusan ng storya sa sobrang pagka-chismosa. She was born extrovert, she'll talk when she wants to. Anywhere and any...