Chapter 15

123 4 0
                                    

Halos mag-iisang linggo na at di na uli kami nakapagkita uli. At this time, ako naman yung sobrang busy. Thesis, magkabisado, mag-aral at kung ano ano pa! Minsan gusto kong iyakan lahat ng 'to pero wala namang mangyayari kung iiyakan ko diba? Baka mabasa lang sa iyak, sayang pa.

Malapit na matapos yung buwan ng November at malapit na din kami magmonthsary ni Noah. At bukod dun, ang dakila naming kaibigan na walang ginawa kundi mag-aral ay hindi na manhid! Sinagot niya si Kairus nung nakaraan lang, well alam ko naman na may balak si Kairus na magtanong pero syempre! Gulat parin ako sa sagot ng kaibigan ko at proud dahil hindi na siya NBSB!

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, 10PM na ngayon at nag-aaral parin ako. Kailangan kong mag-aral dahil magpepresent ako sa mga doctor ng CIS bukas, expected na yun pagnasa-med school ka. At syempre, madla ang manonood saakin kaya dapat akong mag-aral ng husto kung gusto kong makaraos ng walang kahihiyan.

"Hindi kita iiyakan pero pumipikit na yung mata ko, jusko." Mahinang sabi ko sa libro ko na mas makapal pa sa labi ng chismosa kong kapitbahay.

Huhuness, naboang na.

Pero maya maya pa ay nagring yung phone ko, tinignan ko kung sino yun. Si Noah iyon kaya sinagot ko kaagad yung tawag niya. Kailangan ko magregenerate ng power!

["Hello?"] Sabi ko.

["Still studying, Therese?"] Tanong niya saakin.

Nagpangalumbaba ako sa mesa at sinagot siya. ["Oo, kailangan eh."]

["Give yourself some break, wag kang magpuyat kung hindi mo kaya."] Paalala niya.

Napangiti ako. ["Kasweet man ng jowa ko, grabe naman."]

["Tch."] Sure ako na nakangiti siya ngayon, assumera lang bat ba?

["Sige na, ibababa ko muna 'tong tawag ha. Mag-aaral lang ako, kailangan nating magsipag eh."] Paalam ko.

["Hmm."] Simpleng sagot niya.

["Sige na, bye! Goodnight na din!"] Sabi ko at binaba na yung tawag.

Ewan ko pero ayokong kausapin niya akong sabog. Feeling ko unti unti na akong nawawala sa sarili ko dahil antok na antok na talaga ako. Gusto ng pumikit ng mata ko pero minumulat ko parin. Kung pwede nga lang na lagyan ng tape yung mata ko, kahapon ko pa ginawa.

Ilang oras ang lumipas at hikab na ako ng hikab. Nang tignan ko ang wall clock ko, 10:37PM na. Pag ganitong oras, kadalasan tulog na ako. Pero ngayon, kailangan ko pang magkabisado. Ni hindi ko nga sure if may pumapasok pa sa isip ko eh.

"Laban laban o bawi bawi..." Kanta ko, wala na talaga ako sa sarili ko. Ako'y sabog na~

Sinandal ko yung ulo ko sa upuan atsaka pumikit para magpahinga lang ng saglit. Papalalim na sana yung pagpikit ko nang bigla ay magring uli yung phone ko. Kinuha ko iyon habang nakapikit lang saka sinagot yung tawag.

["Problema mo?"] Tanong ko na parang siga.

["Tch, this is Adriel."] Sabi ng nasa kabilang linya, napamulat tuloy ako.

Shet! Potchanggala.

["Ay hala sorry! Ikaw pala 'yan, Noah."] Turan ko saka nagkagat-labi.

["It's fine"] Ani niya.

[Nga pala, akala ko tulog ka na. Bat ka nga ba napatawag?"]

["Bumaba ka, nandito ako sa labas ng bahay niyo."]

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. ["Anong ginagawa mo dyan?!"]

["Di ko din alam, dinala lang ako ng paa ko dito."]

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon