Chapter 14

112 3 0
                                    

3 days passed ay hindi kami nakapagkita, nakakalungkot pero okay lang din kasi ewan ko din kung bakit. Ewan, mas matanda siya saakin ng tatlong taon kaya siguro nakuha ko na din yung perspective na dapat matured yung isip ko. Na hindi lahat ng oras niya saakin lang, at totoo naman yun. Di ko siya aso na tatalian sa leeg 'no, di ko hawak palagi oras niya.

Wow, matalino na ba akong tignan?

Friday na ngayon at may pasok ako syempre pero 10AM-6PM lang ngayon. Hassle lang niya kasi gabi na yung uwian namin. Nakakayamot kayang mag-antay dun sa shed para lang makasakay ng jeep na pachoosy pa! Akala mo hindi ako nagbabayad ng tama kung makatanggi agad.

Palabas na ako ng university ngayon habang nagsscroll ng phone ko. Medyo madilim na din dahil paggabi na nga, actually 6:20PM na ngayon dahil nag-overtime yung isa kong teacher kasi may inannounce pa na kung ano ano. Nakikinig naman ako, di ko lang talaga narinig.

Pero talagang kabado bente ako ng may umakbay saakin! Akala ko meron na namang may magtatangka sa katawan ko pero nang makita ko kung sino yun ay nawala yung kaba ko.

"Did I scare you?" Tanong ni Noah.

"Hindi, nagulat lang." Sabi ko, jusko!

"Ahmm, sorry." Sabi niya.

Kinunutan ko siya ng noo. "Para saan?"

"Nagulat pa kita, I'm just planning to surp--"

Natawa ako sa sinabi niya dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. "Ano ka ba Noah, okay lang yun 'no! Actually may sinok ako, nung nagulat ako nawala. May perks din naman."

"Tch." Singhal niya. "Miss you."

Napatigil ako sa paglalakad tsaka nilingon siya. Walang emosyon yung mukha niya, natural na kagwapuhan lang yung nakikita ko! Ewan ko pero sa mga araw na nagdaan mas naging clingy na siya saakin. Well, gusto ko yung ganung side niya. Bet na bet ko... siya, harot!

Ngumiti ako saka pabirong pinalo yung braso niya. "Ikaw ha, simpleng banat ka din ha! Ampafall mo, ganyan ba talaga pag Attorney? Charoz!"

"Whatever." Sabi niya saka tinanggal yung braso niyang nakaakbay saakin at hinawakan yung kamay ko.

Tinignan ko iyon at bahagyang tinaas saka nilingon siya. "Miss you too, Noah." Mahinang anang ko habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.

Tinignan ko siya ng wala siyang isagot saakin. Nakita ko siyang nakatitig lang saakin kaya nangunot yung noo ko. Pero aaminin ko, isa sa pinakasgusto ko yung titignan ko palang siya, nakatingin na pala siya saakin.

"Matunaw naman ako, Noah. Ako lang 'to, si Tere lang 'to." Sabi ko.

"Therese?" Tawag niya saakin, ang sweet pala pag siya tumatawag saakin nun. Pumapangit lang pag yung kapatid ko na.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Want to meet my parents?" He said in monotone.

Feeling ko luluwa yung mata ko sa sobrang pagkabigla sa sinabi niya. Talagang ngayon pa?! Feeling ko mukha pa akong haggard dahil kakatapos lang ng pasok namin! Feeling ko mukha akong stress ngayon at nakakahiya naman kung ngayon pa ako makikita ng mother-in-law ko. Charoz, pero malay niyo maging magmother-in-law talaga kami!

"Ngayon na?" Tanong ko.

"Hmm." Tatango-tangong sagot niya.

"Mukha akong pagod, tsaka tignan mo nakauni---"

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon