Chapter 11

123 4 2
                                    

Note: Verbal Harassment.

Hanggang ngayon iniisip ko parin yung scene na yun sa loob ng sinehan kanina. 9PM na ngayon at nakatingin lang ako sa kisama at nagsesenti na naman. Ewan pero andami kong tanong sa isip ko na di ko naman alam kung bakit ko pa tinatanong sa sarili ko. Na hindi ko alam kung bakit ko pa kailangan ng sagot kung nakita ko naman na yung sagot kanina.

Oo nga! Sila na nga diba?!

Dumapa ako sa kama ko saka diniin yung mukha ko sa unan. "Pistilan naman kasi eh, ano ba nangyayari saakin!" Saka pinagsusuntok yung unan ko.

Di ko alam if makakatulog ba ako ngayon na andaming tumatakbo sa isip ko o hindi. Andami kong gustong itanong sa kanya, sobrang dami. Una, bakit ganun siya saakin recently? Bakit parang may something? Pangalawa, bakit napakapaasa niya?! Bakit kailangan niya pang magpaasa ha?!

Baka di siya paasa, assumera lang ako.

Tumayo ako sa kama ko saka pumasok sa loob ng banyo ko para maligo. Feeling ko hindi ako makakatulog dito kaya mas mabuti pa na pumunta nalang ako dun sa club at sumama kila Pat. Tutal niyaya nila ako kanina, edi pupunta na ko. Touch move hehe.

Matapos kong maligo, kumuha ako ng damit sa cabinet ko. Nagsuot ako ng red off should crop top tsaka isang white denim skirt. Nagtakong din ako ng 2 inches at kinuha yung sling bag ko. Naglagay lang din ako ng light make up para naman maayos ako tignan kahit papano.

Taena, bahala na bukas.

Naglakad ako pababa ng kwarto ko, naabutan ko si Mama dun sa sala. Napatingin siya saakin at sinuri ako ng tingin.

"May lakad ka ba ngayon?" Tanong ni Mama.

"Opo Ma," Sagot ko. "Nagyaya sila Pat Ma eh."

"Ganun ba? Sige, wag ka papalasing ha." Paalala saakin ni Mama.

Ngumiti ako bagaman maliit, ewan pero ang tamlay ko ngayon. "Sige po Ma, noted."

"Ingat ka ha." Sabi pa ni Mama, tumango nalang ako habag nakangiti saka lumabas.

Mabuti nalang at may Taxi dito sa loob ng subdivision namin kaya di na ako naglakad papunta sa may gate. The Lexis, kailangan kita ngayon. Nagsscroll lang ako sa phone ko habang papunta sa The Lexis. Ngayon ko lang naramdaman yung feeling na kailangan kong malasing para makatulog.

Oo sumasama ako kila Pat sa club, pero di ako kasing lakas niya uminom 'no. Kumbaga average lang yung kaya ko, depende pa kung hard yung drinks o hindi. Kaya ayokong uminom ng hard drinks, pero feeling ko kailangan ko ngayon.

Nagbayad ako kay Manong taxi driver nung dumating ako sa The Lexis. Mag-10PM na nung dumating ako sa club at medyo marami ng tao. Pumasok ako sa loob, madami ng tao sa dancefloor. Umakyat ako sa second floor, madalas kasi dito kami tumitable. Nakita ko silang tatlo dun na umiinom lang at nagchichikahan, himala at hindi naglakwatsya si Pat?

"Oh! Larissa?!" Sabi ni Sabrina nang makita ako. Napatingin tuloy sila Rhianne at Patricia saakin.

"Akala ko ba di ka pupunta ha?" Mataray na sabi ni Pat.

"Nandito na nga eh, nagrereklamo pa." Angil ko at umupo sa tabi ni Pat.

"Psh, anong meron at nagbago ang isip mo?" Usisa niya.

"Wala naman, trip ko lang talaga." Pagsisinungaling ko, ayokong malaman nila yung dahilan.

"Tsh, hulaan ko may problema di---" Natigil sa pagsasalita si Rhianne ngang hablutin ko yung baso niya at inumin iyon ng diretso kahit sobrang pait.

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon