AERA HAN
Wala akong nagawa kundi lumabas sa ika-anim na police station na napuntahan ko nang wala akong makuhang impormasyon. Lahat nang istasyon ay pinagtanungan ko na tungkol sa kaso ng pagkamatay ni Hannah Lee at lahat sila sinasabing simpleng kaso lang daw yon ng suicide.
Nagtanong ako kung may posible bang taong sangkot na dahilan nang pagpapatiwakal niya pero ang sabi naman nila wala daw.
Napabuntong hininga nalang ako habang naghihintay ng taxi na dadaan sa harap ko. Binigyan ako kahapon ni Frederick ng wallet na puno ng cash kaya may nagagamit akong pera ngayon.
Gabi na at pagod na din ako. Gusto ko ng umuwi at magpahinga kaya ng sa wakas may dumaan nang taxi sa harapan ko, agad ko itong pinara saka nagpahatid sa building kung nasaan ang apartment ko.
Pagkauwi ko, saktong tumunog ang cellphone na pinahiram sa akin ni Frederick. Sabi niya gamitin ko lang daw yun kapag may kailangan, pabor naman sakin dahil hindi din naman ako marunong.
Sinagot ko ang tawag. "Hello?"
"Good evening, Lady Han." Agad akong napangiti nang marinig ang boses ng kaisa-isang taong kumportable ako.
"Good evening, Frederick."
"How's your day, Milady?"
"Ayos naman, nakakapagod nga lang."
"Glad to know that—enough with the sweet talk, hand me the phone!" Napakislot ako nang marinig ang pamilyar na sigaw sa kabilang linya. "Aera Han, I just want you to know that, like this morning, we will go there again tomorrow and I want my breakfast to be ready when we arrive." Masungit niyang sambit.
Marahas akong bumunga ng hangin. "Pero hindi pa ako nakakapag-grocery."
"That ain't my problem anymore. I gave you the money, right?"
Para namang may magagawa pa ako. "Masusunod. A-Ano bang gusto mong kainin bukas? Wala akong alam na world class food na pwedeng iluto sayo." Sabi ko, kalahating sarkastiko.
"Whatever you want. Just don't make it taste like a trash." Sabi niya bago tuluyan akong babaan.
Pabagsak nalang akong umupo sa sofa saka napasabunot. Pagod na ako at gusto kong magpahinga pero imposible ko pa yata yong magawa ngayon. Nakakainis!
.
.
.
"Sana hindi namin naistorbo ang pagpapahinga mo, Lady Han." Sabi ni Frederick dito sa sala kung saan kami nakatambay. Nandon si Heeseung sa dining area at kumakain, ayaw niya kaming makita dahil baka mawalan daw siya ng gana.
Napahikab ako bago maliit na ngumiti sa kaniya saka umiling. "Hindi naman masiyado."
Alas sais palang ng umaga gising na ako dahil hindi ko sigurado kung anong oras sila dadating. Kulang na kulang ako sa tulog dahil anong oras na din ako nakauwi sa bahay galing sa pag-grocery at pagod na pagod din ang katawan ko.
Tumango siya saka muling nagtanong. "Anyway, Lady Han, May I ask you something?"
"Kahit ano."
"Kamusta ang paghahanap mo ng ebidensya? Did you found something?"
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfiction𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜