Psycho 37

255 20 13
                                    

AERA HAN

“Did he drink his meds?” Tanong ni Frederick sa kabilang linya.

Kausap ko siya ngayon habang nagdidilig ng mga halaman dito sa garden. Maaga pa para magluto ako ng pananghalian ni Heeseung kaya naisipan ko munang tapusin ang mga gagawin ko.

Gamit ko ang phone na pinahiram ni Frederick sa akin noon nang pumunta kami sa France. Iniwan niya daw ito kanina kay Mariya bago umalis dahil nakalimutan niyang ibigay sa akin. At ito, kausap ko siya ngayon.

“Oo, uminom na siya kanina. Pahirapan pa nga dahil... Frederick, makulit ba talaga si Mr. Lee kapag may sakit?” Natanong ko bigla.

“What?” Natatawang tanong niya. “No, he's not. He's usually grumpy whenever he's sick.”

Kumunot ang noo ko. Parang ang layo naman sa pagiging grumpy ang mood kanina ni Heeseung.

Why? Is there something happened?”

“Ah, kanina kasi para siyang batang ayaw kumain at ayaw uminom ng gamot. Tapos nung nagising siya uhm, hinawakan niya yung kamay ko dahil mainit daw yun, siguro nilalamig siya.”

“He held your hand?” Hindi ko alam kung natatawa o nang-aasar ang tono ng boses niya.

Tumango ako kahit wala naman siya sa harapan ko. “Oo.”

Narinig ko ang mahina niyang tawa. “Right, I didn't get to finish my warning to you earlier.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Master Hee has a habit of being clingy when he's sick. That's why I told you that do not get too close to him. Sometimes he'd hug you in his sleep... whatever his hand could reach.”

Napatango-tango naman ako. Sinong maga-akala na ang palaging masungit na tao na yon ay nagiging touchy kapag may sakit siya.

Napailing-iling ako at napangiti nalang din habang inaalala yung pakiramdam ng paghawak niya sa kamay ko kanina. Nasa huwisyo kaya siya non nang gawin niya yun o dala lang ng sakit niya?

“Did he do something when you enter his room? Did he get mad?”

“Ah hindi naman, mukhang ayos lang naman sa kaniya.”

“See, I told you.” Kahit hindi ko siya kaharap alam kong may nang-aasar na ngiti to sa labi ngayon.

“Frederick...” Pagbabanta ko, pabiro lang naman.

“Alright, alright, Lady Han. Keep in touch 'cause I might call you from time to time.”

“Teka, may sasabihin pa pala ako.” Habol ko bago niya ibaba yung tawag.

“Hmm, what is it?”

Lalong lumawak ang ngiti ko nang maalala na naman ang usapan namin ni Heeseung kanina. Ang mga paru-paro sa tiyan ko ay otomatikong nagsiwalaan.

“Kanina kasi natanong ko sa kaniya kung anong dahilan niya kung bakit nag-iba ang trato niya sa akin. Napansin mo din naman di ba?”

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon