Psycho 1

480 18 6
                                    

AERA HAN

Ang init.

Dinilat ko ang mga mata ko nang maramdaman ang init na nararamdaman ko sa buo kong katawan. Sumalubong sakin ang kulay puting liwanag galing sa kulay gintong kisame.

Tinaas ko ang palad ko para takpan ang mukha ko mula sa liwanag bago umupo at alisin ang kumot na nakapalibot sa akin Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa buong mukha at katawan ko.

Nasaan ako?

Pilit kong inalala kung ano ang huling nangyari bago ako kainin ng dilim pero ang naalala ko lang ay may sasakyang papunta sa akin at babanggain ako.

Teka, patay na ba ako? Kung nabangga ako bakit wala akong maramdamang sakit? Tinignan ko ang buo kong braso at ulo. Ni-isang sugat ay wala akong makita o makapa. Nasa langit na yata ako.

Napabuntong hininga ako. Ganon na lang ba talaga ang pagkakamatay ko? Tumakbo palayo kay Matthew nang malamang magpapakasal na siya? Namatay akong hindi masaya.

Pero bakit mainit? Mainit ba talaga sa langit?

Pinunasan ko ang pawis na nasa noo ko at akmang tatayo nang mapaupo din ako agad dahil may nagsalita.

"You're not in heaven yet, stupid."

Sa likod ko nanggaling ang boses kaya walang pagdadalawang isip na nilingon ko kung sino yun. Ngunit wala akong nakita kundi pares ng paa at itim na sapatos, bukod doon ay wala na dahil ang katawan ng taong yun ay nakatago sa dilim.

"S-Sino ka?"

"Shh..."

Agad akong kinilabutan sa lamig at pagka-seryoso ng boses nang taong yun. Base sa lalim ng boses niya, alam kong lalaki siya.

"Ikaw ba ang nagdala sakin dito? Nasan ako?"

Hindi siya gumalaw o nagsalita man lang. Bakit ba ayaw niya sumagot? Pipi ba siya? Pero nakagawa siya ng ingay kanina.

Sobrang tahimik ng paligid. Hindi ako kumportable idagdag mo pa ang init. Nakakatakot ang katahimikan na bumabalot sa kwartong ito at pakiramdam ko sinasakal ako nito.

Pero ang lalaki sa harapan ko ay hindi man lang yata nakakaramdam ng kahit ano dahil hindi siya gumagalaw sa pwesto niya.

Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya nararamdaman kong nakatitig siya sa akin. Ramdam ko ang pagbigat ng hininga ko dahil sa takot at bigat ng titig niya.

"It's true what they said that while looking at you, you look like a doll that seems know nothing in this world because of the innocence of your face." Humigpit ang pagkakahawak ko sa kumot nang makitang tumayo siya mula sa kinauupuan niya.

Sa wakas ay umalis na siya sa dilim kaya malaya ko ng nakita ang mukha niya. Totoo nga na nakatitig siya sakin at ngayong nakikita ko na kung paano niya ako titigan ay biglang nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kinaya bigla ang titig na nagmumula sa itim na itim niyang mga mata.

Sino ba siya? At bakit ganyan siya kung tumingin sa akin? Puno ng galit ang mga mata niya. May magawa bakong masama sa kaniya? Bakit parang galit na galit siya?

Palapit siya ng palapit hanggang sa nasa harapan ko na siya. Gusto ko sanang umatras pero wala akong nagawa dahil hindi ko magawang kumilos sa hindi malamang dahilan. Napalunok ako nang maamoy ang mabangong amoy niya. Pero hindi ko magawang singhutin yon dahil para akong nauubusan ng hangin.

Napasinghap ako nang maramdamang dumikit sa baba ko ang malamig niyang daliri. Wala akong nagawa nang iangat niya ang mukha ko para mapaharap sa kaniya. Halos sumakit ang leeg ko dahil sa tangkad niya.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon