Psycho 43

253 19 18
                                    

JAY PARK

Pangalawang araw na namin ngayon dito sa Maldives at bukas ng hapon uuwi na kami. Gabi na ngayon at nasa rooftop kami ng hotel para magpahangin. Dapat naman talaga ako lang, gaya-gaya lang silang lahat mga walang originality.

Well, ayos na din yun dahil siguradong kapag nakauwi kami ay matagal-tagal na naman kaming hindi magkikita-kita dahil balik na kami sa kaniya-kaniyang trabaho. Ang dami ko na kasing absent, lagot ako sa parents ko, ako pa naman ang boss.

Si Jungwon ay nagbabasa. Si Jake ay kausap si Freiya sa phone. Si Sunoo ay nagse-selfie. Si Riki ay hawak ang iPad niya. Si Sunghoon ay nakanganga, tulog. At si Heeseung ay kanina pa dumudutdot sa phone niya.

Di ba, bonding. Ang saya, grabe.

Si Heeseung ay ayos na, hindi man siya katulad ng dati, alam na naming mahirap ng mabalik yon. Talagang inugali niya na ang pagiging masama wahaha! Dati kasi maharot yan at siya lagi ang nagsisimula ng usapan pero ngayon hindi yata kami pakikinggan hangga't hindi nababanggit ng kahit isa sa amin ang pangalan ni Aera.

Ayos na yon, ang mahalaga hindi niya na kami tinataboy.

“What's wrong with him?” Nilapitan ako bigla ni Jake na tapos na yatang kausapin ang asawa. Nakatingin siya kay Heeseung. “Kanina pa siya diyan sa phone niya at mukhang problemado.”

Napatingin din tuloy ako. Napansin ko nga ang pagsalubong ng kilay niya at kung makapindot sa screen parang ang laki ng galit, ang diin eh.

Nga pala, bago yang phone niya. Hindi ko alam kung saan nanggaling basta ang alam ko bago yan.

“Kanina pa siya parang may tinatawagan pero hindi yata siya sinasagot.” Dagdag niya.

Nagkatinginan kami at tumayo para lapitan si Heeseung. Isa lang malamang ang dahilan kung bakit hindi maipinta ang mukha nito.

“Baka naman kasi gabi na sa Pinas at natutulog na si Aera.” Sabi ko nang makatabi na ako sa kaniya.

Hindi niya man lang ako nilingon at nagpatuloy sa pagtawag sa phone. “I've been contacting her since morning. Until now she hasn't picked up any of my calls. Shit!” Nahampas niya ang phone sa hita dahil sa inis nang wala na namang sumagot sa tawag niya.

“Baka naman may nangyari sa kaniya...” Pasimple kong sinipa ang paa ni Jakr at pinanlakihan siya ng mata. Mukha namang na-gets niya yon. “... b-baka lowbat yung phone, ganon.”

Napabuntong-hininga ako. “Did you try calling Frederick?”

“I tried, earlier, pero hindi din siya sumagot.”

“Then, try again. Baka sagutin niya na ngayon.” Sabi ko. Marahas siyang bumuga ng hangin. Hinawakan ko siya sa balikat. “Kalma ka lang, hindi naman aalis yun si Aera nang wala ka. Nandon lang yun sa bahay mo baka may ginagawa lang.”

“I have a bad feeling about this.” Bulong niya at nag-dial muli sa telepono.

“I-loud speaker mo nga.” Utos ko, ginawa niya naman.

Narinig namin ang pagri-ring at naghintay pa kami ng ilang segundo bago sa wakas ay may nagsalita.

“Master Hee...” Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa tono ng boses ni Frederick. Tunog problemado ito.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon