AERA HAN
“It's been a week pero hanggang ngayon ang sarap pa din ng tulog niya.”
“'Naol.”
“'Naol ka diyan, patulugin kaya kita habang-buhay?”
“Bro, can you chill? Sinabi naman na ng doctor na maayos na ang lagay niya at normal na matatagalan siyang magising dahil sa delikadong bahagi ng katawan siya natamaan.”
“Kalmado naman ako ah?”
“Tch. Pwet mo kalmado. Anong oras ba babalik si Heeseung dito? Nasabi niya ba sayo?”
“Hindi eh, pero sabi ni Frederick medyo matagal pa bago matapos yung meeting nila. Kahit madiliin ni Heeseung hindi kaya. Ilang araw niyang hinunting yung buong pamilya nung ungas kaya bumabawi siya ngayon.”
“Tsk! Kasalanan talaga to nung Jisoo eh. Hindi talaga ako kuntento sa mga suntok na nabigay ko sa kaniya.”
Dahan-dahang idinilat ko ang mga mata dahil sa ingay na naririnig ko pero agad din akong napapikit nang masilaw sa ilaw na sumalubong sa akin.
Nasaan ako? Teka, buhay ako?
“Mhm...” Daing ko nang gumalaw at makaramdam ng sakit sa likuran.
“Aera!” Narinig ko ang pamilyar na boses ni Jay. Maya-maya ramdam ko na ang palad niya sa kamay ko. “Thank goodness you're awake now!”
“I'll call the doctor.” Sigurado akong boses yun ni Sunghoon.
“Huwag ka munang gumalaw, stay put ka lang diyan.” Si Jay. Hindi ko mapigilang mapangiti sa nagpa-panic niyang boses.
“Jay...” Naibulong ko. Gusto ko sanang magsalita pero sadyang namamalat ang lalamunan ko.
“What? Why? Do you need something? Does it hurt somewhere? Don't worry, the doctor will come in a minute. How are you feeling?”
“Heeseung... Mr. Lee...” Pinilit kong sabihin.
Mukhang naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin. “He's fine. Darating na din yun mamaya dito.”
Nakahinga ako ng maluwag at pinikit ang mga mata nang makaramdam na naman ng matinding antok.
Mabuti at ayos lang siya.
.
.
.
Nagising ako nang makaramdam ng mabigat na presensya sa tabi ko. Pagdilat ko ay hindi kagaya kaninanay medyo madilim na.
Kahit nakahiga ay pinilit ko ang sariling libutin ng tingin ang paligid. Pamilyar ang lugar na ito. Ito yung kwarto kung saan dinala si Heeseung matapos siyang ma-food poison ah? At sa pagkaka-alala ko nasa Pilipinas to. Bakit ako nandito?
Nabaling ang tingin ko sa pigurang nakaupo sa tabi ko. Natigilan ako nang makita doon si Heeseung na nakaupo sa isang upuan habang naka-krus ang paa at nagbabasa ng libro. Mukhang hindi niya pa napapansing gising na ako.
Tinitigan ko siyang mabuti. Hindi ko inaaasahang siya ang makikita ko pagkadilat ng mga mata ko. Mukha wala namang mali sa kaniya. Ibig sabihin ay wala ngang nangyari sa kaniya.
Nang sa wakas ay balingan niya ako, nagsalubong na ang tingin namin. Bumalatay ang pagkabigla sa mukha niya at napaayos ng upo.
“Aera... how... how are you feeling?” Tanong niya. Parang nanibago ako sa boses niya dahil halata sa tono non ang gulat at paga-alala.
Magsasalita na sana ako nang walang boses na lumabas sa bibig ko. “Tubig...” Pinilit kong ibulong.
Tumayo naman siya at sa tabi ng upuan niya, may lamesa doon kung saan nakapatong ang isang pitsel at baso. Nagsalin siya at inabot sakin.
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfic𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜