AERA HAN
"I checked his condition, I called the doctor." Narinig ko si Frederick sa likod ko habang nagluluto ako ng adobo.
Nagpunas ako ng kamay sa apron na suot at hinarap siya. "A-Anong sabi? Kamusta na siya?"
"Sad to say na hanggang ngayon hindi pa din siya nagigising but the doctor told me that his vital signs are stable and the wounds on his body are slowly healing." Aniya nang bahagyang nakangiti.
Malawak akong napangiti. "Mabuti naman kung ganon. Thank you, Frederick."
"Anything for you, Lady Han." Medyo nailang ako sa tinawag niya sakin pero wala na akong nagawa dahil makulit siya kahit ilang beses ko ng inulit na hindi niya na ako kailangang tawagin ng ganon. "Anyway, are you sure of your decision not to let Matthew's family know about his situation right now? I don't think that's a good idea." Bakas ang pag-aalala sa tono ng boses niya.
Napayuko naman ako. "Kilala ko si Matt, sigurdong magagalit lang yun sakin kapag pinaalam ko sa pamilya niya ang lagay niya ngayon at ayokong mangyari yon. Kahit ako nakokonsensya pero pakiramdam ko mas makakabuti to sa kaniya. Hindi ko din naman alam kung anong ipapaliwanag sa pamilya niya kung sakaling sabihin ko sa kanila. Mas mabuting si Matt nalang ang magsabi ng totoo. Isa pa, hindi mo naman siya pababayaan di ba?"
Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago siya malalim na bumuntong-hininga. “Of course, Lady Han.”
Tinapik ko siya sa braso. “Salamat ulit.”
“Frederick!” Napakislot ako sa sigaw ni Heeseung sa dining area. Maliit nalang akong nginitian ni Frederick bago umalis sa kusina.
Sandali ko pa siyang tinanaw bago bumalik sa pagluluto ng dinner ni Heeseung. Nang maluto na ay naghain na ako para sa kaniya at dinala yun sa dining area. Naramdaman ko agad ang malamig na tingin sakin ni Heeseung nang makatapak ako doon. Kanina pa yan sa totoo lang simula nang nakauwi siya galing sa trabaho.
Hindi ko nalang yun pinansin at tahimik na nilapag sa harap niya yung tray ng pagkain. Isa-isa kong nilapag ang laman nun sa harap niya at umalis na din agad pagkatapos. Tumayo ako ilang metro ang layo sa kaniya, inaabangan siyang matapos.
Sa tatlong araw na ganito ang ginagawa ko ay unti-unti nasasanay ako. Maliban nalang siguro sa paglilinis ng garden at yard. Idagdag mo pa ang ilang gawain dito, minsan kasi ay nagpapatulong sila sa akin at nahihiya naman akong tumanggi kahit kulang nalang bumagsak ako sa pagod.
Magana siyang kumain mag-isa sa napakahabang table. Ang lungkot niya pagmasdan dahil mag-isa lang siya pero parang wala lang naman sa kaniya yun.
Minsan ay napapaisip ako kung bakit mag-isa lang siya dito maliban sa amin siyempre. Naiisip ko na wala ba talaga siyang ibang pamilya na pwedeng makasama? Si Hannah lang ba talaga ang meron siya? Kahit ba mga magulang wala siya?
Kasi napakalungkot ng atmosphere ng napakalaking palasyong ito. Parang walang buhay. Matagal kong hinihiling na magkaroon ng ganitong klaseng bahay hindi para sakin kundi para sa mga batang kasama ko sa orphanage siyempre. Malamang matutuwa ang mga yun sa lawak ng yard na pwede nilang paglaruan. At sila sister, malilibang yun sa paghahalaman sa laki ng garden dito. Hindi ko lubos maisip na titira ako magisa sa ganitong palasyo nang kasama lang ang mga katulong.
Kaya siguro galit na galit siya kay Matthew at sa akin kahit na hindi pa napapatunayang ako nga ang may kasalanan dahil nang dahil sa kasalanang nagawa namin ay namatay ang kaisa-isang pamilya niya na siguro nag-iisa lang din na kasama niya dito.
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfic𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜