AERA HAN
"HAPPY BIRTHDAAAAAAAY!!!" Sigaw ng lahat at napapikit pako nang pasabugin ni Riki tsaka Jake yung confetti.Nang tignan ko si Heeseung ay halong gulat at pagtataka ang namamayani sa mukha niya. Nawala na ang paga-alala sa mukha niya at parang pino-proseso pa sa utak ang nangyayari.
"What?" Aniya habang kunot ang noo. Malakas akong natawa dahil halata ngang na-surprise siya, ibig sabihin ay gumana ang plano namin.
Hindi makapaniwalang tinignan niya ako. "Does it mean that nothing really happened to you and you guys just made it up?"
Tumango ako at pasensyadong ngumiti. "Sorry, Mr. Lee. Para lang talaga ma-surprise ka namin kaya namin ginawa yon. Ang totoo nga niyan wala akong alam doon hanggang sa sabihin yun ni Jay sayo."
Tumaas ang isang kilay niya. "Jay?"
"Uh-oh." Narinig kong sabi ni Jay sa di kalayuan.
"Tsaka po si Sunghoon." Dagdag ko.
"Ano?! Hoy! Si Jay lang yon!" Si Sunghoon at dinuro pa ako pero matamis ko nalang siyang nginitan.
"Takbo na, dali." Hinatak na siya ni Jay at sabay na nga silang tumakbo.
Ako naman ay nanlaki ang mga mata nang mabilis na dumaan sa harap ko si Heeseung na ngayon ay tumatakbo na at hinahabol yung dalawa. Napakurap ako ng ilang beses habang pinapanood sila.
"Aeeraaaa! Ayoko pang mamataaaay!" Ngawa ni Sunghoon pero malakas ko lang siyang tinawanan at napailing-iling na lumapit na sa iba.
Tumabi ako kay Harley. "Pag ako sinumbong mo hindi na kita kilala." Banta niya.
"Kay Jay ako pusta! Five thousand!" Sigaw ni Riki bigla at naglabas ng pera
Anong pustahan na naman to?
"Kay Jay din ako! Siya mauunang mahuli diyan, maikli biyas eh." Si Sunoo naman.
"Pag nadapa si Sunghoon bigyan niyo ako ten thousand. Tanga-tanga pa naman yan." Si Jake naman ngayon.
"Mga gago! Papatayin ko kayo isa-isa!" Si Jay na akala mo hinahabol na ng kamatayan ngayon.
"Jaaay!" Sigaw ni Heeseung habang tumatakbo pa din.
"Sorry na nga! Ang cute niyo nga ni Aera eh, nagi-inarte ka pa!" Bawi nito at parang nag-slowmo ang lahat nang madapa siya at sumalampak sa lupa.
Natakip ko ang palad sa bibig.
"Oh my gosh." Si Yanna na nanlaki ang mga mata pero natatawa din.
"WAHAHAHA! Bobo na konting tao ka talaga Jay!" Humahalakhak na si Riki.
Si Jake, Sunoo at Jungwon ay halos hindi na makahinga sa kakatawa ngayon. Naluluha pa nga si Sunoo at nakahawak pa sa tiyan.
Napailing-iling nalang ako at pinanood kung paano gulpihin ni Heeseung yung dalawa.
Maya-maya ay bumalik sina Sunghoon at Jay dito na parang mga wala sa sarili. Nakatulala sila habang puro lupa ang damit at gusot ang mga suot na damit. Ang mga buhok ay akala mo hindi nadaanan ng suklay ng ilang linggo. Si Jay ay may konti pang lupa sa mukha dahil nga pumlakda siya kanina.
Dumiretso silang dalawa doon sa apat na tawang-tawa pa din ngayon at isa-isa itong pinagbabatukan. Umalis naman si Harley sa tabi ko dahil nakita niya na si Heeseung na paparating.
Natawa naman ako habang nakatitig sa kaniya. Hingal na hingal siya at ang buhok niya ay hindi ko mawari kung saang direksyon ba ang punta. Tumabi siya sa akin.
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfic𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜