AERA HAN
Tatlong oras na nang magsimula akong magtrabaho dito sa garden. Ang tanging kasama ko lang ay si Mang Estor. Ayos lang naman sakin dahil masaya siya kasama at hindi nauubusan ng kwento.
“Hmm, sabi po nila sister sa orphanage, umuulan daw noon nung makita nila ako sa labas. Sabi nila nasa loob lang daw ako ng basket at ang higaan ko daw non sako lang. Mabuti na nga lang daw hindi ganon kalakas ang ulam kasi malamang nalunod nako.” Pagku-kwento ko. Natanong niya kasi kung paano ako napunta sa orphanage.
Tumango-tango siya. “Mabuti at naisipan ng nanay mo na sa orphanage ka iwanan. Maswerte ka pa din dahil hindi ka lang niya basta iniwan sa kalye kagaya ng iba.”
Napangiti ako. “Opo, Mang Estor. Kaya hindi ko magawang magalit, siguro nangungulila lang. Kasi kahit papaano maswerte pa din ako. At siguro ang dahilan kung bakit niya ako pinaampon dahil sa kahirapan ng buhay. Maganda naman po ang naging buhay ko sa orphanage, ang laki ng pamilyang meron ako doon.”
“Asus, napakabait mo naman masiyado. Ang hirap mainis sayo.”
“Wala namang mawawala kung magpapakabait ako di ba.”
Sabay kaming natawa.
“Eh kay Mr. Lee? Galit ka ba?” Tanong niya bigla.
Napaisip naman ako. Napayuko ako at ngumuso. “Siguro naman po may karapatan akong magalit. Dinala niya ako dito at sinising bigla sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Sinaktan niya ang kaibigan ko at nilayo niya ako sa pamilya ko.”
“Naiintindihan kita. Kahit ako ganiyan din ang mararamdaman ko siguro ay malala pa. Pero nakakamangha na hindi ka gumagawa ng aksyon para gumanti sa kaniya.”
“Hindi po ako marunong gumanti eh.” Tanging sinagot ko nalang.
Ngumiti siya na parang natuwa siya sa isinagot ko. Tumayo na siya at ginulo pa ang buhok ko.
“Pagpalain ka, hija.”
Tumango ako at umalis na din siya. Pagkatapos ng mga isang oras siguro ay bumalik muna ako sa kwarto ko para makapag-pahinga sandali at hilutin ang binti ko. Sumalampak ako sa kama nang biglang tumunog ang telepono sa tabi ko. Bawat isa sa amin merong ganito sa bawat kwarto para kapag kailangan kami ni Heeseung ay alerto kami.
Pero nagtaka ako dahil hindi pa naman sila nakakauwi, anong kailangan nila sa akin?
Hindi kaya tungkol kay Matthew? May nangyari sa kaniya?
Kinuha ko na ang telopono at agad na sinagot ang tawag.
“Lady Han, I'm sorry but are you doing something? Am I disturbing you?” Boses ni Frederick ang narinig ko. Kinabahan naman ako agad dahil may kakaiba sa boses niya, para siyang kinakabahan.
“H-Hindi naman. Bakit, Frederick, m-may problema ba?”
Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. “Master Hee got food poisoned and we're now at the hospital.”
Nanlaki ang mga mata ko at napatayo pa. “Ano? T-Teka, sinong may gawa non? A-Akala ko ba binabantayan mo ang mga taong gumagawa ng makakain niya?”
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfiction𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜