AERA HAN
Naiilang ako.
“Heeseung, kailangan ba talagang may pila-pila pang body guards ang sasalubong sa pag-alis natin? Sasakay lang naman tayo sa eroplano na dalawa bakit ang dami nila? May red carpet pa.” Sabi ko habang nakasunod sa kaniya.
Nauuna siyang naglalakad habang dala-dala ang nga gamit naming dalawa. Naka-shades pa talaga siya kahit pa-wala na yung araw habang taas-noong dire-diretso lang.
“The only thing I could tell you is get used to it. Hindi sila pwedeng mawala, remember who I am?”
“Pero kumpara nung umalis tayo papuntang Spain, dumoble naman yata ang bilang nila ngayon?”
“Because you're with me. I can't take the risk that someone might shoot us, especially you, while we're heading to the plane.”
Lalong humaba ang nguso ko. “Kasama mo din kaya ako noon.”
Tumiim ang kaniyang bibig. Halatang hindi niya alam kung ano ang sasabihin, natawa naman ako sa reaksyon niya.
“Tulungan na kaya kita?” Sabi ko, tinutukoy yung limang bag na dala-dala niya.
Hanggang ngayon kasi wala pa din siyang tiwala sa mga guard dito na hawakan ang kahit ni-isang gamit namin. Wala naman na akong nagawa dahil nga sa sitwasyon niya. Sabi ko kanina tutulungan ko din siya kaso ayaw ayaw niya talaga.
“It's fine.”
Napabuntong-hininga ako. Mukhang mahaba-habang panahon ang kailangan gugulin para sa pagbalik ng tiwala niya sa mga tao.
Napatingin ako sa malaking eroplano sa harapan namin. Kulay itim ito ay may puting lining, sa taas non ay may nakalagay na Lee Industries.
Nang makapasok na kami sa eroplano ay dumiretso na kami sa seat namin. Kinuha na nung mga flight attendant yung mga gamit namin.
“Ibang eroplano ba ito sa sinakyan natin noon?”
Pansin ko kasi na mas lumuwang ang paligid at mas kumportableng tignan. Kung nakaraan ay magkakasunod lang na upuan, ngayon ay parang nasa loob lang kami ng isang sala. May malaking tv, sofa set at may mga lamesa at furnitures pa.
“Yep. This one's my favorite out of 78 planes I have.” Simpleng sabi niya na parang normal lang na meron siyang 78 na eroplanong pinagma-may-ari.
Ako naman ay napanganga. “78? Ang dami naman.”
Ginaya niya ako paupo sa upuan at umupo na din siya sa harap ko. “Yeah, sometimes I really go overboard when shopping without knowing.”
Tumaas ang pareho kong kilay at natawa. “Ang shopping mo ay pamimili ng eroplano?”
Sumimsim siya sa wine na nasa table. “Yep. Sometimes yachts, lands, properties, airlines, and islands. Whatever I feel like to.”
Napailing-iling nalang ako. Minsan talaga nakakalimutan ko kung sino ba talaga si Lee Heeseung at anong klase ng buhay ang meron siya.
“At saan mo naman balak gamitin ang mga yon balang araw? Napakadami non.”
Napaisip siya. “Back then, I bought those solely for just my own satisfaction but now that I think of it, maybe I'll distribute them to our kids someday in the future.”
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfic𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜