AERA HAN
“... all of you is mine now. Including your life.” Madiing bulong niya.
Pinigilan ko ang sarili na bumawi dahil alam ko namang tama siya. Kahit maghanap pa ako ng ebidensya para patunayan ang sarili ko na inosente ay halos imposible dahil hawak niya na ako sa leeg. Magiging posible lang yun kung kusang lalabas ang katotohanan at kung may himalang mangyayari.
“Do that again and I will kill you.” Babala niya bago tuluyang umalis sa harapan ko at nagtungo sa table niya pero napahinto din siya nang marinig ang sinabi ko.
“Kung mangyayari man ulit yun sa harap ko, hindi ako magdadalawang isip na pigilan ka ulit, Mr. Lee.”
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang dahan-dahan niya akong harapin ulit. Igting ang panga at nanliliit ang mga matang tinignan niya ako.
“What the fuck did you just say?” Aniya na parang ano mang oras ngayon ay sasabog siya sa gigil.
Ito ang ekspresyon ng mukha niya nang una kaming magkakilala. Galit na galit na akala mo ano mang oras handa niya akong patayin.
“Sigurado akong narinig niyo ako.” Pagmamatapang ko pa din.
“You crazy—” Naputol ang dapat na sasabihin niya nang biglang bumukas ang pinto at niluwa si Frederick na napatingin agad sa amin.
Pinakawalan ko naman ang pinipigil kong hininga at lumunok. Pinakalma ko ang dibdib na kanina pa tumatambol.
“What happened, Master Hee? Why did Mr. and Mrs. Kang's faces are like that? Did something happen?” Kunot-noong tanong ni Frederick. “And you two, are you arguing?”
Nag-iwas ako ng tingin. “It's your fault! Why did you let her in here?!” Si Heeseung.
Malalim na bumuntong-hininga si Frederick. “Master Hee, nakalimutan mo bang may dinaluhan akong importanteng meeting?”
“You can just tell me that my food has arrived. You know how much I hate seeing that face.” Dinuro niya pa ako. Nagsalubong naman agad ang kilay ko.
Nauubusan ng pasensyang bumuntong hininga nalang ulit si Frederick bago kuhanin yung lunch box na nasa sahig na nabitawan ko kanina.
“You need to eat and drink your meds now.” Aniya at nilapag yun sa lamesa.
Binalingan naman ako ni Heeseung ng masamang tingin na binalik ko din. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin at naglakad papunta sa pinto para umalis na. Hindi ko na kayang magtagal dito, para akong sinasakal dahil nahihirapan akong huminga.
“Lady Han, where are you going?”
“Uuwi na ako.” Maikli kong sagot at binuksan ang pinto nang mapaatras din ako dahil sa dalawang lalaking sumalubong sa akin.
“Heeseung Lee!” Sigaw nung isa. “You bastard!”
Tumabi naman agad ako para hindi nila ako mabangga. Ang isa ay nakaitim na t-shirt at ang isa naman ay naka-leather jacket pa. Mas matangkad yung nakaitim kaysa sa isa at mas maputi din. Sino sila? Kaibigan ni Heeseung? Napatingin ako kay Frederick pero nakatingin na din siya sa dalawa. Akala ko ba walang kaibigan si Heeseung?
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfiction𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜