JAY PARK
Kumpleto ang tropa dito sa resthouse ni Heeseung sa Bulacan. Bakit kami nandito? Lilipat na kasi ang mga tao sa orphanage sa bagong orphanage center na pinagawa ni Heeseung at nandito kami para tumulong.
Though, marami ng guards, nami-miss na din namin si Aera at gusto naming makakuha ng chismis sa kung anong ganap sa kanila ni Heeseung mwehehehe.
“Manong Jay, magkikita pa din ba tayo kapag nakalipat na kami?” Tanong sa akin ni Tristan. Isa sa mga bata.
Lihim akong napairap sa itinawag niya sa akin habang nagbubuhat ng box. “Manong ka ng manong, 'Kuya Jay' nga. Tsaka oo naman, bibisita kami sa inyo kapag meron kaming time.”
“Meron ka na kayang girlfriend non, manong?” Inosenteng tanong niya.
Aba, siraulo to ah.
“At ano naman sayo kung wala? Ususero ka din eh no.”
Ganyan talaga kami mag-usap. Naging kumportable na kami sa isa't-isa at sa lahat ng mga bata siya ang pinaka-malapit sakin. Bakit? Feeling close din siya eh.
Gwapong bata nito, crush nga siya ng ibang batang babae eh. Well, mana sakin. Mga gwapo lang talaga ang nakakaintindi sa isa't-isa.
“Wala lang, curious lang.” Kibit-balikat niya. Nagpatuloy nalang ako sa pagbubuhat. “Pagbisita mo pengeng helicopter ah.”
“Tsk, oo na. Kulit mo ah, dun ka nga di ka naman nagbubuhat.”
“Sabi ni ate Harley ipaubaya ko na daw sayo lahat para may silbi ka naman.”
Nanlaki ang mga mata ko at napahinto. “Sinabi niya yon?!” Pasigaw na bulong ko.
Inosente naman siyang tumango at pinagkrus pa ang mga braso, akala mo kung sinong siga. “Tamad ka kasi yata, kuya, kaya ganon nalang magsalita si ate Harley sayo eh.”Kumibot ang dulo ng kilay ko. “Wag kang magsalita, wala kang alam.”
“Drama mo naman po.”
Nasaktan naman ang ego ko dahil nakangiwi pa talaga siya nang sabihin yon. “Aba't talagang, nanghahamon ka ba? Wala kang helicopter sakin sige ka.”
“Edi kay kuya heeseung nalang ako hihingi. Kakausapin ko siya.”
Ako naman ang nagkrus ng braso. “Huh, asa kang may oras pa yong kausapin ka. Tignan mo nga oh,” Tinuro ko sila Heeseung at Aera sa isang van na naguusap na akala mo may sariling mundo. “masiyado silang busy para maki-epal ka.”
Napatitig din naman ako sa dalawa. Ako lang ba to o iba na ang ngitian nila sa isa't-isa? May something something eh, hmm. Yung kamay ni Heeseung namumugad na sa bewang ni Aera, nagmumukha ng sinturon.
“Napansin mo din?” Naramdaman ko si Sunghoon sa tabi ko.
“Bilis mong makaamoy ng chismis, marites.”
“Sayang ang matangos kong ilong kung hindi gagamitin.” Aniya. “Ano sa tingin mo, sila na ba?”
Nagkibit-balikat ako. “Aba malay ko. Sinabi ni Heeseung satin na hindi niya liligawan si Aera di ba?”
Sarkastiko niya akong nginisian. “At naniwala ka naman, boploks ka talaga.” Inirapan pa ako. “Iba na ang atmosphere sa paligid nila oh, kulang nalang lumutang ang mga bulaklak sa paligid. Yung mata ni Heeseung konti nalang maghuhugis puso na.”
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfic𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜