AERA HAN
Ilang minuto yata akong nakayakap sa kaniya hanggang sa humiwalay na siya ng yakap. Pinunasan ko naman ang mga luha gamit ang likod ng palad.
Inabot niya sa akin yung isang panyo na agad kong tinanggap at pinunas.
“Don't worry, I'll help.” Aniya saka inalis ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko. “And I'm not mad, just got me worried when Frederick told me you're gone.”
Napanguso ako. “Sorry, hindi na mauulit.” Sabi ko.
Tumango siya. “Next time, tell me anything that bothers you so I could help. We're friends, right?” At maliit akong nginitian.
Malawak akong napangiti at tumango. “Masusunod. U-Uhm, di ba bukas pa ang uwi niyo? Bakit nandito ka na at paano mo ako nahanap?”
Bumuntong-hininga siya. “Siyempre umuwi agad ako nang malamang nawawala ka and you be forgetting that I'm Lee Heeseung, I got my ways.” Ikaw niya, hindi ko alam kung seryoso ba o hindi.
“Nagma-mayabang ka pa talaga.”
Mahina siyang tumawa. “Just stating facts. Come on, let's go outside.”
Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko at ginaya ako palakad palabas. Otomatiko namang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang maraming lalaking itim na inaalalayan ang mga bata at sila sister papasok sa mga van.
Binalingan ko si Heeseung. “Teka, mga tauhan mo ba sila? Saan nila sila daldalhin?” Naga-alalang tanong ko.
“Since now that they don't have a place to stay, I'll let them use one of my resthouses first.” Aniya at tinignan ako. “They will be staying there until the orphanage I am going to build is finished.”
Natigilan ako saglit. “Teka, tama ba ako ng narinig? Magpapagawa ka ng orphanage?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango siya. “I know the sisters love to help children and you too.” Tinignan niya ako mismo sa mga mata. “I will sponsor it.”
Napakurap ako ng ilang beses. “T-Totoo? Heeseung, hindi mo na kailangang gawin yon.”
“Ugh, come on. That's not a big deal to me. The money I'll use for it is just pocket change, no need to worry.” Pagmamayabang niya.
Pinanliitan ko siya ng mga mata.
“Just kidding.” Pinalibot niya ang braso sa balikat ko. “Aside from that, my other friends needs my help too.”
Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko si Alice na nagpupumiglas sa lalaking may hawak sa kaniya habang nililibot ng tingin ang paligid. Nang matanaw niya kami ay sumupil ang malawak na ngiti sa labi niya, kita tuloy ang bungi niya.
Sa pagpupumiglas ay tuluyan na siyang nabitawan nung lalaki at tumakbo papalapit sa amin.
“Kuya Heedeung!” Sigaw niya at papunta siya sa direksyon ni... Heeseung?
Tsaka, Heedeung?
Umupo naman si Heeseung at binuka ang braso. Nang mapunta na sa harap niya si Alice ay agad niya itong binuhat, niyakap naman siya nung bata.
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfiction𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜