Psycho 14

221 15 8
                                    

AERA HAN

Hindi ko alam kung anong dapat gawin ko. Kung tutulungan ko ba yung lalaking kinakawawa ni Heeseung o tutulungan si Heeseung dahil lalong lumala ang pagkaputla niya nang tumayo siya bigla sa higaan niya.

Nakatayo lang ako dito sa sulok habang dala-dala ang tray ng pagkain na dapat ibibigay ko kay Heeseung nang ganito ang maabutan ko. Napapikit ako nang makitang naaluhod yung lalaki nang sipain siya ni Heeseung sa sikmura.

"Ugh! Fuck!" Malakas na mura nito kasabay nang pagsapo sa sikmura.

Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Frederick na alam kong kagaya ko ding gusto nang pahintuin ang pangyayari sa harap namin ay walang magawa dahil pareho kaming walang lakas ng loob para pahintuin ang galit na galit na si Heeseung. Alam naming mapapahamak lang din kami.

"He's Jisoo Kang. Son of the Laguna Branch Manager." Si Frederick na napabuntong-hininga pa. "He went to Master Hee's office earlier in the morning to discuss his proposal but he didn't get Master Hee's approval. According to the cctv footage inside Master Hee's office, they had a little argument because of some issue on Laguna Branch. And I think you know the rest, Master Hee's mouth become restless when he's mad. I'm sure he threw a lot of profanities to him."

"At malamang hindi yun nagustuhan ni Jisoo."

"Who would."

"Malamang napahiya sa at nabastos kaya nagawa niya yun kay Mr. Lee." Binalingan ko ulit ng tingin sina Heeseung. "Sana huwag kang magalit kapag sinabi kong hindi ko masisisi si Jisoo. Pero hindi pa din yon tamang rason para lasunin ni si Mr. Lee."

"I get your point, don't worry. And it's not like it's the first time it happened to him. Master Hee got into a lot of trouble because of his foul mouth and behavior."

Napabuntong-hininga ako. Nakakaawang panoorin si Jisoo na binubugbog ni Heeseung. Gusto ko man siyang pigilan ayoko naman siyang magalit sakin dahil baka hindi ko magustuhan ang maging kapalit.

Sorry.

"How dare you, you little piece of shit!" Sigaw ni Heeseung bago patamain ang kamao sa mukha na naman ni Jisoo. Si Jisoo naman ay hindi makapalag dahil naka-posas ang kamay niysa likod. Wala siyang ibang pagpipilian kundi tanggapin ang mga binibigay ni Heeseung sa kaniya.

"Y-You deserve it, jackass." Narinig kong bawi ni Jisoo na may nang-aasar pang ngisi sa labi.

Ang salubong na kilay ni Heeseung ay mas nagsalubong pa. Igting ang pangang tinitigan niya sa mata si Jisoo na mayabang pa ding nakatingin sa kaniya. Hinawakan niya ito sa kwelyo.

"I will make sure everyone in your family shares in the suffering you will experience at my hands. I will give no mercy." Doon na unti-unting nawala ang ngisi sa labi ni Jisoo. "You seem challenging me by your arrogance and I would gladly accept it. I know you, Jisoo Kang. I know everything about you even the little stinks that your hiding. You will pay for this big time."

Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko. Ramdam ko ang takot na nararamdaman ni Jisoo dahil naranasan ko na din yan. Hindi talaga magandang galitin si Heeseung.

"Damn you! Don't you dare touch my family!" Sigaw ni Jisoo.

Malamig siyang tinignan ni Heeseung bago bitawan ang kwelyo nito. "You should have watched your mouth." Yun lang at napaiwas nalang ako ng tingin nang siain niya ito sa mukha.

Hindi nagtagal ay tuluyan nang nawalan ng malay si Jisoo. Nakagat ko ang labi nang makita ang duguan niyang mukha. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatingin kay Heeseung. Blangko nalang ulit ang ekspresyon ng mukha niya.

"Master Hee has a mental disorder called paranoia where it's hard for him to not have paranoid and anxious thoughts... making it difficult for him to trust anyone."

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Frederick.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Heeseung, agad akong nag-iwas ng tingin. Siguradong mas magiging mahirap sa kaniya ngayong magtiwala pagkatapos ng nangyari. Nakaramdam ako ng awa.

"Bring him outside." Utos ni Frederick doon sa dalawang guard. Agad naman siyang sinunod ng mga ito. Sumama siya sa kanila kaya sa huli kaming dalawa ulit ni Heeseung ang naiwan sa loob ng kwarto.

Nakita ko siyang umupo sa kama at pinatong ang parehong siko sa tuhod at nilagay sa ulo ang palad. Nakita ko ang mga dugo doon na malamang galing kay Jisoo. Mukhang meron na naman siyang malalim na iniisip. Lumunok ako bago naisiang lumapit sa kaniya dala-dala ang pagkain niya.

"Mr. Lee, kailangan niyo na pong kumain." 

Hindi siya nagsalita at nanatili lang sa pwesto niya kaya nilapag ko nalang yun sa table sa tabi ng kama niya. Nang muli ko siyang tignan, pansin ko ang paghingal niya at ang pagtulo ng dugo sa likod ng palad niya pababa sa kamay niya. Tinitigan ko yun nang mabuti at nakita kong meron siyang malaking hiwa.

"M-Mr. Lee, meron po kayong sugat sa kamay." Sabi ko pero tahimik pa din siya.

"... it's hard for him to not have paranoid and anxious thoughts."

Yun ang unang mga salitang pumasok sa isip ko na pwedeng dahilan ng pananahimik niya ngayon. Ano kayang iniisip niya?

"Mr. Lee, sigurado po akong hindi hahayaan ni Frederick na maulit ulit ang pangyayaring to." Malumanay ang pagkakasabi ko sa kaniya.

Hindi pa din siya nagsalita.

"Kung ayos lang, gagamutin ko ang mga sugat niyo, Mr. Lee. Madami kasing dugo ang lumalabas at madudumihan ang suot niyo."

Katahimikan lang ulit ang isinagot niya pero tinanggap ko na ang sagot na yun bilang oo. Sigurado akong kung ayaw niya ay mumurahin niya ako.

Naghanap ako ng pwedeng magamit para malinis ang sugat niya, mabuti nalang at meron dito sa drawer ng mini table sa tabi ng kama niya. Kinuha ko doon ang bulak, betadine at bandaid.

Ang totoo niyan ay kinakabahan ako. Ang puso ko ay hindi mapakali sa takot na baka bigla siyang magalit sakin na hawakan ko siya pero hanggang sa idampi ko na bulak sa balat niya ay hindi siya nag-react. Napalunok ako bago ko dahan-dahang kuhanin ang kamay niya para mapunasang mabuti ang mga dugong dumaloy na pababa sa kamay niya. Hindi pa din siya nag-react at hinayaan lang ako. Sinusundan lang ng mata niya ang bawat galaw ko, nakahinga naman ako ng maluwag.

Ito ang unang beses na mahawakan ko siya at ramdam ko ang lamig ng palad niyang hawak ko. Pansin ko din ang mahaba niyang mga daliri at ang tamang haba ng kuko niya. Halatang kamay yun ng mayaman at marunong siyang mag-alaga ng sarili. Kahit manipis na kalyo ay wala akong makapa.

Nang dampian ko na ng bulak ang mismong sugat niya ay bahagyang siyang napakislot. Natigilan naman ako. Sinamaan niya agad ako ng tingin.

“Sorry.“ Bulong ko. Hindi niya ako pinansin at muli nalang binantayan ang kamay ko.

Doon ko na nilabas ang ngiti habang hindi siya nakatingin. Kahit pala ang pinakamalupit na tao sa mundo napapakislot kapag dinadampian ng bulak ang sugat nila.

Ting!

Napatingin ako sa elevator nang bumukas yon. Nagkasalubong ang tingin namin ni Frederick at agad na dumapo ang mata niya sa kamay ko na hawak ang kamay ni Heeseung.

Bahagyang nanlalaki ang mga matang tinignan niya ako. Nag-iwas naman ako ng tingin at napayuko nang makaramdam ako bigla ng hiya. Bigla akong nailang.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa pwesto namin.

“Where did you get that wound, Master Hee?” Tanong niya.

“That stupid little piece of shit. I should have just killed him.” Puno ng inis na ika ni Heeseung.

Mahinang tumawa si Frederick. “I'll take care of him, Master Hee.”

Natapos ko ng linisin ang sugat ni Heeseung at nilagyan ko na yun ng band-aid. Nang tingin ko si Frederick, may kakaibang ngiti siya sa labi habang pinapanood akong gawin yun. May kakaiba sa ngiti niya na hindi ko maintindihan.

Naramdaman ko naman ang pag-init ng pareho kong pisngi.

...

Frederick niyo ma-issue

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon