AERA HAN
“Aera... Aera...” Napaayos agad ako ng upo at dumilat nang may maramdamang dumadampi sa pisngi ko. Nang lingunin ko yun, nakita ko ang nagpipigil ng tawang si Jay. Nakaramdam agad ako ng hiya. “Napasarap yata tulog natin ah?”
“Sorry, nakatulog pa yata ako sa balikat mo.” Sabi ko at awkward na natawa.
Hindi na ako gaanong naiilang sa kaniya dahil ang dali niyang pakisamahan. Alam niyang nahihiya akong kausapin siya kanina nang magumpisa palang ang flight kaya siya ang dumadaldal halos buong oras habang nanonood kami ng movies. Kinukwento niya sakin kung ano ang mga mangyayari kaya sa huli mas naintindihan ko yung palabas dahil sa kwento niya hindi dahil nanood ako.
Gusto pa ngang makinood sa amin ni Sunghoon kanina kaso wala siyang ma-pwestuhan, tadyak nalang ang binigay sa kaniya ni Jay.
Nang mapatingin ako sa bintana ay tirik na ang araw. “Nasaan na tayo?”
“Welcome to Paris, France.” Aniya.
Umawang ang labi ko at dumukwang ng kaunti para makita ang magandang tanawin.
Namangha ako sa ganda lalo na nang matamaan ang sikat na sikat na Eiffel Tower.
“Wanna change seats?” Aniya.
Umiling ako at mabilis na kinuha sa bulsa ang phone na hiniram ko kay Frederick. “Pwede ba akong gumamit ng phone dito sa loob?”
“Gumamit na nga tayo ng iPad eh.” Pamimilosopo niya.
Sumimangot ako at dumukwang muli ng bahagya at kinuhanan ng picture ang tanawin. Para akong nasa paraiso sa ganda. Buong buhay ko hindi ko aakalaing makakapunta ako dito, kahit pa man noong una ay ayoko talagang sumama.
“After the wedding pwede ka naming igala ni Sunghoon dito.”
“Kabisado niyo ba ang lugar na to?”
Tumango siya. “Dito ang tambayan naming dalawa, minsan kasama si Jake, kapag nab-bored kami sa Pinas.”
Napakurap ako. “Tambayan? Kapag bored?”
“Uh-huh.” Tango niya.
Hindi naman ako makapaniwala. Iba talaga kapag mayaman ka.
“Nga pala, malapit na ang landing natin. Check mo yung amo mo sa likod baka tulog pa.”
Oo nga pala!
Maingat at dahan-dahan kong sinilip si Heeseung na nakaupo sa likod namin. Nang tignan ko siya ay napatitig agad ako sa mukha niya dahil ito ang unang beses na nakita ko siyang natutulog at kalmado ang mukha. Naka-krus ang pareho niyang braso sa tapat ng kaniyang dibdib, nakasuot ng earphones habang nakasandal sa bintana. Tinatamaan ng sinag ng araw ang makinis niyang balat kaya tuloy nagkukulay ginto ito.
Napanguso ako. Kaya niya naman palang gumawa ng ganiyang ekspresyon sa mukha pero mas pinipili niyang maging masungit lagi.
“It's rude to stare.” Napakislot ako nang biglang magsalita si Jay. Inalis ko na ang tingin kay Heeseung at umayos ng upo.
Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako.
“Mukhang masarap ang tulog niya, mamaya ko nalang siya gigisingin.” Sabi ko at inabala ang sarili sa pagc-cellphone.
Nang ibigay sa akin to ni Frederick ay tinuruan niya din ako kung paano gumamit. Sabi niya ay pwede daw akong tumawag dito sa kaniya dahil nandito ang number niya, hindi ko nga alam kung kanino to. Contact number niya lang ang meron ito bukod don wala na. Gusto ko sanang kontakin sila sister sa ampunan kaso hindi ko naman alam kung paano.
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfiction𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜