Psycho 34

298 20 59
                                    

AERA HAN

Kinabukasan ay bumalik din ang lahat sa normal. Pero mas magaan ang pakiramdam ko ngayon hindi ko na kakailanganin pang iwasan si Heeseung.

Nasa isip ko pa din yung nga sinabi nila sa akin kahapon. Ang totoo ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil pakiramdam ko ay ginamit nila ako sa kalokohan nila. Pero nung nagpa-salamat sa akin si Jay ay ramdam ko ang sinseridad sa tono ng boses niya.

Bago din sila umuwi ay napag-usapan namin ang plano nila sa pag-surpresa kay Heeseung at kung ano ang mga naiisip nilang i-regalo. Siyempre nalula ako sa mga ideya nila. Natulala nalang ako nang sabihin ni Jay na baka regaluhan niya nalang si Heeseung ng private island at si Sunoo ay private property daw. Ramdam na ramdam ko ang panliliit sa kanila kahapon.

Isla? Ireregalo? Iba talaga kapag mayaman. Sa amin sa orphanage kapag may cake kami sa birthday namin ay umaabot na sa langit ang tuwa namin dahil minsan lang yun mangyari tapos sila isla?

Napailing-iling nalang ako sa naisip. Hindi ko sila kinakaya.

Oras na ngayon para hatiran ko siya ng pagkain niya at kakatapos ko lang magbihis. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para kuhanin doon ang paper bag na naglalaman ng pagkain niya.

Nagpahatid na din ako at mabilis na nakarating sa building. Nang sumakay ako sa elevator, ramdam ko na naman ang ilang dahil pakiramdam ko ay hindi talaga ako gusto ng elevator girl doon. Hindi nalang din tuloy ako nag-salita.

"You look lovely, Lady Han." Salubong sa akin ni Frederick nang bumukas ang elevator. Bumulong ako ng pasasalamat sa elevator girl pero tamad niya lang akong tinignan.

Ngumiti naman ako saka nagpa-salamat kay Frederick. "Nandon ba siya sa office niya?"

Tumango naman ito. "Yeah, he's in a call but since it's you, you can just go in." Aniya na alam kong may halong pang-aasar.

"Frederick..." Pabiro kong banta pero hindi din naman mapigilan ang ngiti. "Nga pala, kamusta yung insidente sa Italy? Naayos niyo na ba?"

"Yes, there's no need to worry anymore. Nakipag-areglo na kami sa mga pamilya na namatayan at sinabi nilang magiging maayos ang lahat basta sagutin ng kumpanya ang lahat mula sa burol hanggang sa pampalibing. Hindi naman yun naging problema. Naintintindihan na din nilang aksidente lang ang nangyari at hindi namin yun ginusto."

Nakahinga ako ng maluwag. "Mabuti naman kung ganon. Nakakatulog ka na ba ng maayos?"

Ngumiti naman siya at bahagyang yumuko. "I feel so special being asked about my sleep. Yes and thanks for the concern, Lady Han."

"Napansin ko kasi nakaraan mas mukha kang pagod kaya nag-alala ako. Tsaka maliit na bagay." Kinindatan ko siya.

Sabay kaming natawa saka nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa opisina ni Heeseung nang magulat ako nang makita siya sa desk ni Frederick na nakasandal habang nakasimangot na nakatingin sa amin.

"Mr. Lee, kanina ka pa nandiyan?" Tanong ko saka mabilis na lumapit sa kaniya.

"Yeah, I was watching you both." Aniya na parang ang tamad-tamad ng boses. Nakamot ko nalang ang batok. "What took you so long?"

"Uh, na-traffic lang po." Dahilan ko. "Bakit nga pala kayo nandito?"

"Uutusan ko sana si Frederick na tumawag sa palasyo dahil ang bagal mo." At inirapan ako. Bakit parang iritado na naman siya?

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon