AERA HAN
Natapos ang kasal nang masaya. Ang ganda at sarap sa tengang pakinggan ang mga sinabi ni Jake kay Freiya sa wedding vow nilang dalawa na napahagulgol pa ito. Kahit ako ay napaiyak dahil madadama mo ang sinseridad ni Jake sa bawat salitang sinasabi niya. Kahit hindi ako si Freiya kinikilig ako.
Nandito na kami ngayon sa reception para ganapin ang after-party. Nandito na kami sa table namin at kumakain samantalang ang iba ay sumasayaw sa gitna. Nakaka-relax ang tugtugin at ang dim na ilaw.
"Kaya pala hindi ko mapasok si Jake ng mga kalahating araw sa kwarto niya yun pala hinahanda niya yung award winning vow niya para kay Freiya." Natatawang ani ni Jay sabay nguya ng pagkain.
Natawa naman ako. "Pero maganda. Kahit na ang haba kahit paulit-ulit ko yung pakinggan siguro hindi ako mag-sasawa."
Tumango naman siya at si Yanna. "Ganon talaga si Jake. Pagdating sa taong mahalaga sa kaniya grabe mag-effort na nagiging chessy na siya hahaha!"
Napanguso ako. "Nakakakilig kaya yung vow niya. Kapag ako ikakasal baka malungkot ako kapag hindi ganon kaganda at ka-sincere ang vow sakin ng mapapangasawa ko." Sabi ko. Sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang paglingon sakin ni Heeseung.
"Me too." Si Yanna.
"Me three!" Si Harley na tinaas pa ang kamay.
Napairap si Jay. "Naku, girls. It may break your hearts but nagi-isa lang ang Jake Shim sa mundo."
"Sasabihin ko nalang sa mapapangasawa ko na kopyahin yung gawa ni Jake." Nagtawanan kami sa sinabi ni Harley, kahit si Jungwon natawa.
"Grabeng ka-desperadahan naman yan." Si Jay.
Napatingin kaming lahat kay Heeseung na tumayo. "Gonna get some air." Yun lang ang sinabi niya at umalis na. Wala naman na kaming nagawa kundi tanawin nalang siya.
Sigurado akong sa mga oras na to ay gusto niya ng umuwi. Kahit hindi niya sabihin kanina ramdam ko na ayaw niya ng ganitong okasyon na maraming tao kahit saan ka man tumingin.
Ipiniling ko ang ulo at nagpatuloy sa pagkain.
Maya-maya ay niyaya na akong isayaw nila Jay, Sunghoon, at Riki. Si Riki ang nahuli na sa totoo lang hindi ko inaasahang yayayain ako.
"You look beautiful." Bulong niya bago ipalibot ang kamay sa bewang ko. Napayuko naman ako sa hiya bago ilagay ang palad sa balikat niya.
"Thank you. Ang gwapo mo din sa suot mo, bagay sayo."
Ang gwapo-gwapo niya sa suot niya ngayon at ang lakas ng dating. Kumpara sa suit ng iba mas mahaba ang kaniya sa likod na umabot sa tuhod niya. Ang panloob niyang damit ay kulay puti din, pansin ko ang kwintas niyang may pendant na singsing. Ang itim na itim niyong buhok ay nakaayos. Ang tangkad ng batang ito at magandang lalaki.
"Where's Heeseung, by the way? I can't see him here." Aniya saka pasimpleng nilibot ang tingin habang sumasayaw pa din.
Ang lamig na dala ng palad niya ay parang kumukuryente sa balat ko kahit pa may suot akong damit.
"Uh, lumabas siya saglit magpapahangin daw."
Tumango naman siya. "How is he to you?"

BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
أدب الهواة𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜