AERA HAN
“Ang tagal naman ni kuya Heedeung.” Reklamo ni Alice habang nakapalumbaba dito sa kitchen counter. Pinapanood niya akong magluto.
Napangiti ako. “Busy na tao si kuya Heeseung mo, madami yong ginagawa.”
Nasa trabaho kasi si Heeseung. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto siya ni Alice na makasama, siguro dahil inii-spoil siya nito at ginagawa ang lahat ng gusto. Mas gusto nga siyang kalaro ni Alice kaysa sa ibang bata.
Bilib ako kay Heeseung dahil mahaba ang pasensya niya kay Alice at pati na din sa ibang mga bata. Pinatunayan niyang mahilig nga siya sa bata.
Parang ang layo sa pagkatao niya kung iisipin, ibang-iba sa Heeseung na una kong nakilala.
“Eh kapag umuuwi kadi diya gabi na. Dabi niya nga dakin kagabi babadahan niya ako ng idtory pero wala naman. Di didter Feh tuloy ang nagpatuloy sa akin.” Aniya at ngumuso pa.
Bumuntong-hininga ako. “Gusto mo bang sumama kay ate? Pupunta ako sa kumpanya para hatiran si kuya Heeseung mo ng tanghalian.”
Agad na nagliwanag ang mukha niya at napaayos ng upo. “Talaga?! Ngayon na? Ngayon na?!”
Natatawang lumapit ako sa kaniya at kinurot siya sa pisngi. “Opo, kaya maligo ka na at magbihis.”
“Pwede bang mag-pink dred doon?” Inosenteng tanong niya.
Tumango ako. “Oo naman.”
“Yeey!” Bumaba na siya sa kinauupuan niya at tumakbo na paakyat sa kwarto nila.
Naiiling na bumalik nalang ulit ako sa pagluluto.
Labing-limang araw na ang lumipas pagkatapos ang araw na nasunog ang orphanage. Bukas ay lilipat na din sila sister sa kakatapos lang na orphanage na pinagawa ni Heeseung. Nakakamangha nga dahil natapos agad sa maikling panahon, madami kasi siyang binayarang trabahador. Mamaya ay pupunta kami doon para tignan at suriin para kung may problema ay maayos na agad.
Labing-limang araw na din ang lumipas pagkatapos ng gabi na yon. Kinabukasan non ay medyo nagkakailangan kami pero di nagtagal ay bumalik din naman sa normal. Ang pagkakaiba lang siguro ay mas naging malapit kami sa isa't-isa.
Nasabi ko na din kayla sister ang totoong nangyari kung paano kami nagkakilala ni Heeseung. Noong una ay nagulat din sila at natakot, dahil detalyado kong kinwento pero dahil na din sa mabuting pinapakita ni Heeseung sa kanila ay parang bulang naglaho ang takot na yon.
Malaki ang utang na loob nila; namin kay Heeseung na kahit kailan alam naming hindi namin mapapalitan. Nagpapasalamat kaming lahat sa kaniya lalo na sila sister. Wala ding mga maid dito dahil sila na ang nag-boluntaryong mag-alaga dito sa resthouse dahil nakakahiya naman daw.
Madaming nangyari sa labing-limang araw na yon. Magaan na ang pakiramdam ko ngayong nakakasama ko na ulit ang pamilya ko at hindi ko na kailangang mag-alala pa para sa kanila. Bukod pa doon ay ini-i-sponsor-an na ni Heeseung ang orphanage kaya kampante na akong magiging maayos na ang sitwasyon ng mga bata at nila sister.
Damalaw din dito ang tropa. Kawawa nga si Sunghoon, Jay at Riki dahil pinag-tripan sila nina Sunoo at ng mga batang babae. Umuwi silang puro pink ang mukha. Sina Jungwon at Jake ay kasundo ang mga lalaki na talaga pang binigyan nila ng mga bagong laruan at video games.
Hindi ko alam kung paanong nangyaring naging napaka-swerte ko. Paanong ang pagiging kriminal ko sa mga mata ni Heeseung ay naging kaibigan niya pa ako at ang mga kaibigan niya ay naging kaibigan ko din.
Pagkatapos magluto ay nag-ayos na din agad ako. Pinaalam ko si Alice kayla sister na isasama ko, pumayag naman agad sila. Nagpahatid na kami agad sa building ni Heeseung.
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfic𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜