AERA HAN
Agad akong bumalik sa kwarto nang makuha ko kay Jay ang cellphone ko nang maiwan ko ito sa kaniya noong umalis kami.
Nakasalubong ko pa si Riki na mukhang galing sa kwarto namin, malamang ay nag-usap sila ni Heeseung. Nakapagtatakang nakasimangot ito pero nang magsalubong ang tingin namin ay maliit niya akong nginitian.
Tinanaw ko siya hanggang sa makapasok siya sa elevator at sumara na iyon.
May nangyari kaya sa kanila ni Heeseung na hindi maganda? Nakakapagtaka lang dahil ang sama ng mukha ni Riki. May ginawa kaya si Heeseung sa kaniya?
Nagmamadaling naglakad ako papunta sa kwarto at pumasok. Nanlaki ang mga mata ko sa dami ng kalat sa bandang veranda. Ang daming papel na nakakalat sa sahig at meron pang tasa.
Anong nangyari? Nag-away ba sila?
Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto pero wala si Heeseung. Nasaan siya? Hindi ko naman siya nakitang lumabas.
Agad akong nagtungo sa mga nakakalat sa sahig. Una kong dinampot ang mga halatang nilamukos na papel-hindi, mga picture ang mga ito. Akmang bubuksan ko ang mga yon nang bumukas ang pinto ng banyo at niluwa si Heeseung na halatang bagong ligo.
Mabilis na dumako ang tingin niya sa kamay at sa hawak-hawak ko. Nagmamadaling lumapit siya sa akin at kinuha yung litrato sa kamay ko. Napakurap ako. Siya na din mismo ang nagpulot ng iba pang mga kalat na papeles at nilagay yun sa isang folder na may nakalitaw pang pangalan sa taas.
Sophia Ma.
Sophia Ma? Parang narinig ko na ang pangalan na yon.
"Mr. Lee, may problema ba?" Malumanay na tanong ko. Nakakapagtaka ang ikinikilos niya. "Nag-away ba kayo ni Riki? Bakit ang daming-"
"Shut the hell up!" Sigaw niyang bigla. Napaatras naman ako. "Don't ask questions, you're so damn annoying." Masama niya akong tinignan.
Nagtatanong lang naman ako.
Tinalikuran niya na ako at nilagay ang folder doon sa sarili niyang cabinet.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kama ko at umupo doon. May biglang kumatok sa pinto at bumukas din. Si Sunghoon.
"Guys, doll up. We have rehearsals for today."
Tumaas ang pareho kong kilay. "Rehearsals? Para saan?"
"For the wedding. We need to do a rehearsal para sa mismong araw ng kasal alam natin kung ano ang gagawin."
Tumango naman ako.
"I'm not going." Sabay kaming napatingin kay Heeseung nang sabihin niya yon.
"What? Why? Ano, papapilit ka na naman? Ikaw ang partner ni Aera, hangal."
"I know what to do at weddings. You can be her partner if you want, I don't care."
"Gago ka ba?" Halata ang inis sa tono ni Sunghoon. "Alam mo may partner na ako. Magmumukhang tanga si Aera doon."
"Let her be." Bawi ni Heeseung at humiga nalang basta sa kama niya.
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Hayran Kurgu𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜