Psycho 28

226 17 13
                                    

AERA HAN

Isang linggo ulit ang lumipas nang magising ako ay oras na ngayon para umuwi na ako.

Tuwang-tuwa naman ako dahil sa wakas, makakaalis na ako sa nakakaburyong lugar na ito. Maganda at malaki nga, wala naman akong magawa. Mabuti na nga lang minsan ay binibisita ako nila Jay at ng iba. Nakapunta din dito si Paula at Manang Mariya, si Paula ay wala namang ginawa kundi tumitig lang kay Jungwon.

Sa ngayon ay mag-isa lang ako dito at nagliligpit ng mga gamit ko. Ang daming damit na mga binili lang ni Frederick diyan sa katabing mall dahil masiyado daw silang busy para bumalik pa sa palasyo. Mga halatang mamahalin at nang makita ko ang price tag ng bawat isa ay halos lumuwa ang mga mata ko sa dami ng numbers.

Maayos na pakiramdam ko ngayon. Ang dalawang sugat ko sa likod ay hindi na din masakit kapag hindi nagagalaw. Malakas na din ulit ang katawan ko at nakakalakad na ako ng maayos hindi kagaya noong una na hindi man lang ako makatayo ng tuwid dahil masakit talaga ang mga sugat ko.

Bumuntong-hininga ako nang matapos na ako sa paga-ayos. Ang sabi ni Frederick ay susunduin daw ako ng driver ng palasyo pauwi. Hindi na daw siya makakasama dahil marami daw siya masiyadong ginagawa sa kumpanya.

Sa wakas ay bumukas na ang pinto ng elevator kaya tumayo na ako ng tuwid. Pero otomatikong nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makilala ang lalaking pumasok.

Napalunok ako habang nakatitig sa kaniyang mukha. Naramdaman ko ang pagbilis ng puso at ang pagtutubig ng mga mata ko. Masiyado akong okupado nitong mga nakaraang linggo at nawala na siya sa isip ko. Ni-hindi ko man lang siya nakamusta kay Frederick.

Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya sa akin at kinulong ako sa yakap niya. Niyakap ko siya pabalik at umiyak sa balikat niya. Ramdam ko ang bigat ng dibdib ko.

"It's alright. I'm here now." Bulong niya saka hinalikan ako sa tuktok ng ulo.

Humiwalay ako sa yakap at sinuri siya mulo ulo hanggang paa. "K-Kamusta ka? Ang mga sugat mo? Kailan ka pa nagising?” Sunod-sunod na tanong ko at hinawakan siya sa parehong pisngi. Napapikit naman siya at hinawakan niya yun saka dinama ang palad ko.

“I missed you.” Bulong niya. “I'm fine. It has been two weeks since I gained conciousness at magaling na ang lahat ng sugat ko.”

“Sigurado ka?” Tumango siya.

Para naman akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Wala na akong nakikitang sugat at mukhang maayos na din siya yun nga lang may peklat na naiwan sa bandang dulo ng kilay niya.

Hinaplos ko yun gamit ng daliri. Napapikit ako nang muling maalala ang itsura noong matagpuan ko siya sa palasyo.

“How are you? What happened? I heard about what happen. I tried to ask anybody but no one told me one thing that's why I came here.”

Nag-iwas ako ng tingin at napayuko. “N-Nabaril ako sa... sa France.”

At hindi na ako nagulat sa naging reaction. “What the hell?! How did that happen?! Sinong may gawa non sayo?!”

Malalim akong bumuntong-hininga. “Huwag ka ng mag-alala, maayos na ako at nahuli na din yung taong may gawa non.”

Pero hindi non nabawasan ng kahit kaunti ang pagkakakunot ng noo niya. “But still, bakit ka naman babarilin ng taong yun? At sino siya—”

“Matthew, kumalma ka.” Hinawakan ko siya sa parehong balikat at tinitigan ng diretso sa mata. “Maniwala ka man o sa hindi, ginawa ko yun para protektahan si Heeseung mula sa mga taong gustong pumatay sa kaniya—”

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon