AERA HAN
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng kwarto ni Heeseung. Kahit na alam ko ang passcode, baka kasi gising siya at magulat na makita akong pumasok nalang bigla.
Dala-dala ko ang tray ng mga kakainin niya. Soup, prutas, tubig tsaka gamot. Nang wala akong narinig na sumagot ay pinindot ko na ang numbers ng passcode niya doon sa gadget na nakakabit sa pader sa gilid ng pinto niya. Maya-maya ay narinig ko na ang pag-unlock ng pinto.
Dahan-dahan ko yung tinulak para bumukas at agad ding sinara nang makapasok ako. Binuga ko ang hanging hindi ko namalayang pinipigilan ko pala. Kahit pa man kasi medyo malapit na kami ni Heeseung sa isa't-isa kailanman ay hindi niya naman sinabing welcome ako dito sa kwarto niya. Hindi ko nga alam kung nalaman niya bang nakapasok na ako dito noong ma-ospital siya.
Pansin ko na madilim ang paligid. Malamang ay dahil nakasara ang makakapal na kurtina ng napakalaki niyang bintana.
Hinanap ko siya at nakita ko siya sa gitna ng kama niya at natutulog. Lumapit ako doon saka nilapag ang tray sa side table ng dahan-dahan bago tinungo yung mga bintana at pahirapan pang binuksan yon dahil ang bigat ng tela.
Hindi naman nakakasilaw ng mata ang liwanag dahil makulimlim pa din. Malamang ay uulan ulit mamaya. Naku, sana maging ligtas yung flight ni Frederick.
Amoy Heeseung ang buong kwarto at kung anong nakita ko noong unang pasok ko dito ay ganon pa din. Pwera nalang sa limang paper bag na nasa sahig. Malamang yun yung mga laruan. Palaisipan pa din talaga sa akin kung para kanino ang mga yon. Hindi bukas ang aircon pero malamig pa din yung kwarto.
Lumapit na ako sa kama niya at sinuri siya. Mukhang lamig na lamig siya pero basa ang dulo ng buhok niya dahil sa pawis.
Ito ang unang beses na nakita ko siyang natutulog at talagang may sakit pa siya. Hanggang sa pagtulog ay bahagya pa ding salubong ang kilay niya, hindi ko alam kung dahil lang ba yun sa sakit niya o may kaaway siya sa panaginip niya.
Natawa ako sa sariling naisip.
Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya at inalis ang mga nakaharang na buhok sa noo niya nang bigla siyang gumalaw kaya natigilan ako. Kumalma naman siya ulit nang suklayin ko ang buhok niyang basang-basa dahil sa pawis ngayon.
Pansin ko ang pagkalma ng mukha niya dahil hindi na salubong ang kilay niya.
Kinapa ko ang noo niya at naawa naman ako dahil ang taas-taas ng lagnat niya at namumutla pa. Kailangan niya ng uminom ng gamot.
Tinigil ko na ang pagsuklay sa buhok niya at tatayo na sana nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko pabalik sa ulo niya.
“Keep going...” Bulong niya sa medyo paos na boses habang nakapikit pa.
Napakurap naman ako ng ilang beses at umupo nalang ulit at pinagpatuloy ang pagsuklay sa kaniya. “Uhm, sorry, Mr. Lee, kung pumasok nalang ako. Sinabi kasi sa akin ni Frederick na may sakit ka at kailangan niyang umalis kaya pinaki-usapan niya ako. Sinabi niya sa akin yung passcode ng kwarto mo.”
“Mhm...” Yun lang ang sagot niya.
Pinigilan ko ang sariling matawa nang mapansin ang pagtulis ng nguso niya. Meron talagang mga pagkakataon na para siyang isang bata.
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfiction𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜