Psycho 30

280 19 26
                                    

AERA HAN

Hindi na sila nagtagal pa at umalis na din agad. Hinatid ko sila palabas kasama si Paula na humirit pa ng selfie kay Jungwon na napipilitan naman nitong pinagbigyan.

At ito kami ngayon, pabalik na sa loob. Katabi ko si Paula na halos tunawin na ang screen ng cellphone kakatitig.

“Ang gwapo niya lalo sa malapitan! Aaack! Para akong sinasakal sa kilig! Omg!” Aniya.

Malakas akong natawa. “Siraulo ka. Mabuti nga pinayagan ka ni Jungwon eh. Masungit pa naman yun.”

“Kaya nga sinadya ko nung nandiyan ka wahahaha! Para kahit papaano magpakitang tao siya kasi kapag kami lang baka i-dedma niya lang ako.” Aniya habang nakanguso. “Tignan mo yung dimple, oh! Nakakainis!” At dumutdut na naman sa cellphone.

Naiiling na hinayaan ko nalang siya. Naghiwalay na din kami nang makapasok na sa loob. Dumiretso siya sa headquarters nila para maligo at ako naman ay dumiretso sa kusina para magluto.

Habang hinihintay na lumambot yung baka ay naligo na din ako saka nagpalit ng damit. Nang mahanda ko na lahat ay nagpahatid na din ako agad papunta sa kumpanya ni Heeseung.

Pinakita ko yung i.d sa guard na nasa entrance. Hindi na siya nag-abala pang i-check yun at tinanguan nalang ako habang nakangiti. Nginitian ko nalang siya pabalik at bahagyang yumuko.

Pansin ko ang bigat ng hangin dito sa loob. Parang ang daming nagmamadali at mukhang problemado, malamang ay may nangyaring hindi maganda.

Napanguso ako. Ihahanda ko na ang sarili ko sa masamang mood ni Heeseung.

Pumasok na ako sa elevator at nginitian yung babae doon. Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit parang may sama pa din siya ng loob sakin kahit wala naman akong ginagawa. Minsan ay sinubukan ko siyang kausapin pero hindi niya ako pinansin.

Nang marating ko na ang floor kung nasaan ang office niya ay walang Frederick na sumalubong sa akin. Wala na akong nagawa kundi ihatid na to mismo sa kaniya.

Huminga ako ng malalim saka inayos ang sarili bago kumatok. Nang sa pangatlong katok ko ay walang sumagot, ako na mismo ang nagbukas ng pinto dahil parati naman yung hindi naka-lock. Nakita ko si Heeseung na seryosong nagtitipa sa keyboard ng laptop niya at sa halos magkadikit niyang kilay halatang hindi na agad maganda ang takbo ng araw niya.

Tumikhim ako nang mapunta na ako sa harap ng mesa niya. “Mr. Lee, nandito na po yung pagkain niyo.”

“You're 20 minutes late.” Hinubad niya ang suot na salamin at nag-angat ng tingin sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ewan ko ba, kapag nakakasalubong ko ang tingin niya ay nagiging kakaiba ang tibok ng puso ko at may nagtutulak sa akin lagi na kausapin siya.

Huwag mong pansinin.

Huwag mong tignan.

“You know how much I dislike—” Hindi niya tinapos yun at nakapagtatakang bumuntong-hininga siya. “What took you so long?” Masungit na aniya saka kinuha yung lunch bag na nilapag ko sa table niya.

“Natagalan po kasi sa paglambot yung baka.” Maikli kong sagot.

Sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang pagkunot ng noo niya bago sumubo.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon