AERA HAN
Sa hindi ko na mabilang na beses, napabuntong hininga ako. Kanina ko pa hindi malaman-laman kung anong lulutuin ko para sa kaniya. Hindi na dapat ako mag-aalala dahil may mga ingredients naman na dito sa kusina kaso lang, bigla kong naalala na sa isang palasyo siya nakatira. Pinakamayaman at maimpluwensyang tao din sa buong mundo. Nahihirapan ako dahil wala akong ibang alam na putaheng papasok sa panlasa niya dahil mga simpleng ulam sa bahay lang ang alam ko.
Biglang dumako ang tingin ko sa itlog na nasa loob ng nakabukas na ref. Bigla akong nagkaroon ng ideya pero hindi ako siguradong magugustuhan niya yun. Pinikit ko nalang ang mga mata ko saka nag-desisyon.
Ang sabi niya breakfast lang naman di ba?
Nagsimula na akong magluto.
"What the hell is this?" Aniya. Inaasahan ko na ang reaksyon niya na yon. Tinaliman niya ako ng tingin. "Fried rice with egg, really? The chefs in the palace gives me world class foods and then you have the audacity to give me a... whatever, just throw it away." Masungit niyang saad saka pinagkrus ang braso at nag-iwas ang tingin habang nakasimangot.
Hindi ako nasaktan pero nainis ako siyempre. Pupunta siya dito ng walang pasabi tapos uutusan akong ipagluto siya, sa tingin niya ba malulutuan ko siya ng world class food na sinasabi niya?
Hindi ako nagsalita at kinuha ang plato na nasa harapan niya saka dinala yun sa kusina. Itatapon ko na sana yon diretso sa basurahan nang madako ang tingin ko kay Frederick na magalang na nakatayo sa gilid ng fridge.
"Bakit nandito ka sa kusina? Pwede ka naman sa sala." Sabi ko, ngumiti naman siya sa akin.
"Master didn't want to see my face."
Umawang ang labi ko sa gulat. "Sinabi niya yon?"
Magalang siyang tumango. "Don't worry, Lady Han, sanay na ako sa ugali niya. He's really moody all the time."
"Pero hindi naman tama yung ginawa niya."
"It's my duty to obey all his commands without any complain, besides it's not new to me at all. Thank's for your concern." Bahagya siyang yumuko, hindi pa din nawala ang simangot sa mukha ko.
Bakit ba napakasama ng ugali ng Lee Heeseung na yon? Kung ituring niya si Frederick na mas matanda sa kaniya ng ilang taon, parang isang puppet na dapat sundin lahat ng gusto niya kahit na hindi tama.
Bumagsak ang tingin ko sa plato ng sinangag na hawak ko saka kay Frederick. Inabot ko sa kaniya yung pagkain.
"Ito, kainin mo nalang kaysa itapon ko. Hindi nagustuhan ni Mr. Lee kaya sayo na lang."
"Thank you, but I can't accept that. If Mr. Lee find it out, he will definitely be mad at me, especially to you."
Napabuntong hininga ako. "Pero hindi niya naman malalaman di ba? Nang ilibot mo ako dito kahapon wala naman akong nakita ni-isang camera sa paligid." Maliit ko siyang nginitian. Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang sikmura niya.
Nahihiyang tinignan niya ako. "With all due respect, Lady Han, would you mind if I eat that?"
Sabay kaming natawa sa sinabi niya bago ko ibigay ng tuluyan ang pagkain sa kaniya. "Kainin mo na habang medyo mainit pa."
Tumango siya saka humatak ng isang upuan na nasa isang sulok saka kumain sa counter. Napailing-iling nalang ako saka niligpit ang iilang kalat sa lababo at naghugas ng kamay.
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfic𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜