AERA HAN
Nandito na kaming lahat ngayon sa isa sa mga living room ng palasyo. Napag-desisyunan nilang manood ng movie pagkatapos kumain. Wala sila Heeseung at Riki dito, umalis sila para mag-usap.
Hindi ko alam kung bakit dito pa nila napiling manood ng movie, ang alam ko may sariling movie theater ang palasyo.
"Ang tagal nung popcorn, ano ba!" Sigaw ni Harley. Lahat kami ay natawa nang makita si Sunoo na dala-dala ang dalawang malaking mangkok na punong-puno ng popcorn.
Paano niya nautusan si Sunoo? Naglaro sila ng bato-bato-pik kanina at natalo ito.
"Oh, ayan na!" Nilapag niya yun sa lamesa. "Manahimik ka na, baka sungalngalin na kita."
Inirapan lang siya ni Harley at sinarili ang isang mangkok.
"Teka, hahabol daw ba si Jungwon?" Tanong ni Sunghoon.
"Nag-text siya sa akin baka hindi na daw. Ang dami niya daw ginagawa eh." Si Jake ang sumagot. "Anyway, how are you, Aera?"
"Matagal na akong magaling. Hindi ko nga alam kung bakit binisita niyo pa ako para kamustahin eh nakaraan lang nandito din kayo."
"Ang totoo niyan wala lang talaga kaming magawa." Diretsang sabi ni Jay.
Mahina akong natawa. "Wala ba kayong mga trabaho? Si Freiya, Jake, kamusta?"
"She's doing great. Actually, she wants to go with us it's just that she has a lot of things to do. She hopes to see you soon, Aera." Ani ni Jake nang nakangiti.
Napangiti din naman ako. "Gusto ko din siyang kamustahin. Tsaka nga pala, Jake," Tumukhim ako. "pasensya ka na sa nangyari sa after-party ng kasal mo. Ngayon ko lang naalala hindi pa pala ako-"
"Aera, you need to stop blaming yourself over such small things." Pinutol niya ako sa pagsasalita. "Napansin kong lagi kang nag-guilty sa mga maliliit na bagay at iba pang bagay na wala ka namang kinalaman o kasalanan. I'm the one who should apologize dahil hinayaan kong may makapasok na may armas at kung sino na may balak na masama. I thought the security was tight already, guess I was wrong."
"Jake's right. Actually, that part of yourself is so annoying. You always feel guilty for what? Ikaw na nga ang nasaktan ikaw pa ang nakokonsensya." Dagdag ni Sunoo.
"Hindi ko lang mapigilan. Sorry." Sabi ko.
"Try to avoid overthinking, girl. That helps." Si Yanna na kinindatan pa ako. Ang ganda talaga ng babaeng to.
"Paano ko naman maiiwasan yon?" Sabi ko, bahagyang nakanguso tsaka sumubo ng popcorn.
"Think of something else. Replace your negative thoughts by thinking positive thoughts instead."
"Kagaya naman ng ano?"
"Isipin mo si Heeseung, ganon-" Si Harley na hindi na natapos ang dapat na sasabihin nang pasakan na ni Sunoo ng isang dakot ng popcorn ang bibig niya.
"Manahimik ka nalang kung wala kang sasabihing maganda." Anito.
Lahat kami ay natawa sa itsura ni Harley. Wala itong nasabi pabalik dahil nga puno na ang bibig niya.
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfic𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜