AERA HAN
Nang makarating kami sa bahay na tutuluyan namin ay hindi na namin nagawa pang kumain dahil sa pagod, dumiretso na agad kaming dalawang matulog.
Ako ay nasa master's bedroom samantalang siya ay nasa guest room. Ang usapan namin ay gigisingin ng unang magising ang isa para makakain ng umagahan at ako ang unang nagising dahil pagkababa ko ay madilim pa ang bahay at tahimik pa ang paligid.
Nang tumingin ako sa labas ay papasikat palang ang araw. Napangiti ako sa napakagandang tanawin sa labas. Ang bahay na ito ay nasa gitna ng parang isang field na siyang napaliligiran din ng bulaklak. May iilang hayop ang nandoon at mga tao din na siguro ay naga-alaga sa mga ito. Napakasarap at payapa ng ganitong buhay, ang sarap sa pakiramdam.
Sandali pa akong nagmuni-muni bago mapag-desisyunang maghanda na ng makakain. Hindi ko na muna ginising pa si Heeseung dahil alam kong sasama lang sakin yun sa kusina at mangungilit lang, hindi ako makakapagluto ng maayos.
Malamang magtatampo na naman yun sakin mamaya kesyo hindi ko siya ginising pero alam ko namang hindi magagalit sakin yun. Halata din kasing napagod talaga siya kagabi dahil mahaba pa ang dinrive niya papunta dito.
Nagsimula na akong magluto. Nakakamanghang kahit unang araw namin dito ay kumpleto ang mga rekados at pagkain na nasa ref ng kusina at nakahanda na ang lahat. Malinis na malinis ang paligid na mahihiya ka nalang dumihan. Malamang ay pinalinis ito ni Jay bago kami dumating o kaya naman ay may tagapag-alaga talaga ng bahay na ito.
Malaki ito at hindi katulad ng mga bahay na moderno na moderno ang disenyo, ito ay pang makaluma. Ito yata ang nakikita ko sa internet na tinatawag nilang warm and cozy vibes house, hindi ako sigurado. Basta ang sarap lang tirhan nito dahil hindi kagaya ng iba na nakakaintimida na bahay, ito ay napaka-welcoming.
Nilibot ko ito kagabi dahil sa pagka-excite at itong kusina ang pinaka-nagustuhan ko.
Matapos maghanda ay nag-ayos na ako ng sarili. Maliwanag na ng tuluyan sa labas at malamang ay alas siyete na ng umaga.
Nang makapag-ayos ay dumiretso na ako sa kwarto ni Heeseung. Kumatok muna ako ng ilang beses bago buksan yun ng tuluyan at doon ko siya naabutang napaka-himbing pa ng tulog habang yakap-yakap kasama ng isang malaking unan si Bambi, ang bagong ipinangalan niya sa stuffed toy na binigay ko.
Binuksan ko muna ang bintana at kurtina bago lumapit at umupo sa kama niya. Natawa ako sa buhok niya dahil napakagulo non at ang kilay niya ay bahagya pang magkasalubong. Sino naman kaya ang kaaway niya sa panaginip niya?
Napakasarap niyang titigan. Parang ayoko na tuloy siyang gisingin.
Parang may sariling utak ang kamay ko na hinaplos ang buhok niya pero bago pa mangyari yon ay nanigas nalang ang kamay ko bigla ng hawakan niya ang kamay ko. Napasinghap ako sa gulat. Tsaka lang ako nakabawi nang magtama ang tingin naming dalawa.
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfiction𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜