Epilogue

348 22 15
                                    

AERA HAN
after 5 months...

Hindi naging madali ang lahat pagkatapos ng insidenteng yon.

Akala naming ay magiging maayos na ang lahat ngayong wala ng hahabol pa kay Heeseung mula sa nakaraan. Oo nga't natapos na ang yugtong yun ngunit ang mga alaala ay nasa kaniya pa din.

Kinwento niya sa akin ang lahat pagkatapos din ng gabing yon. Mula sa pagkamatay ng mga magulang niya hanggang sa lahat ng sinabi sa kaniya ni Sophia Ma.

Awang-awa ako non dahil kahit ako hindi lubos isipin kung anong klaseng hirap ang pinagdadaanan ni Heeseung sa loob-loob niya. Hindi dumaan kailanman sa isipan ko na naging ganon kahirap ang buhay na meron siya at kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko alam kung kakayanin ko.

Isang buwan matapos ang gabing yon ay walang gabing hindi binabangungot si Heeseung kaya't wala akong pagpipilian noon kundi samahan siya palagi. May mga pagkakataon pa ngang hindi niya ako gustong makita dahil sa mukhang meron ako ngunit pilit ko nalang na iniintindi. Naiintindihan ko namang nakikita niya sa akin ang babaeng nasa likod ng mga trahedyang nangyari sa buhay niya kaya hindi ko siya masisisi. May mga pagkakataon na nga lang na ayokong magpakita sa kaniya para lang hindi niya na maalala pa si Sophia pero ako lang din naman ang kinakapitan niya.

Sa loob ng isang buwan ay parang nawala siya sa sarili. Sa pangalawang buwan ay medyo umayos ang lagay niya. Muli ay nakikipagusap na siya sa mga kaibigan niya at wala ni-isa sa kanila ang nagbanggit tungkol sa nangyari.

Sa ikatlong buwan ay nakumbinsi na namin siya ni Frederick na magpunta sa psychologist para makamusta ang kalagayan niya at nakakatuwang hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa din siya.

“Anong iniisip mo?” Tanong ko sa kaniya nang mapansin kong mukhang may malalim siyang iniisip habang nakatingin sa lapida ng mga magulang niya.

Ara Lee and Hansung Lee

Katabi lang non ang kay Hannah.

Sa loob ng limang buwan ding yon ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na dalawin ang puntod ng pamilya niya. Malamang ay nag-iwan talaga ng malaking trauma sa kaniya ang lahat ng mga nangyari pero alam kong ang pinakamalaking naka-apekto sa kaniya ay ang mga katotohanang narinig niya kay Sophia Ma.

“I'm just thinking about, if I am to choose whose parents I will gonna have with in my next life, I will still choose them.” Aniya.

Maliit akong napangiti at pinisil ang kamay niyang hawak-hawak ko. Hindi ko man maalis ang hirap na pinagdadaanan niya, sisiguraduhin ko namang nandito lang ako lagi sa tabi niya at handang damayan siya sa kahit anong hirap at problema.

“I won't know the truth until Riki and Jungwon are done with the investigation on Sophia Ma's parents case. Until then, I will still and always believe that my parents are the best people in the world.”

“Pero paano kung totoong may kinalaman nga ang mga magulang mo?” Tanong ko.

Mapait siyang ngumiti. “I don't know. I'll leave it on the future. Whatever happen, happens.”

Matamis akong ngumiti at sumandal sa kaniya. Napapikit ako nang dumampi sa balat ko ang sariwang hangin. “Sigurado akong nasaan man sila ngayon, masaya silang makita kang unti-unting bumabangon ulit.”

“I'm also sure that they're happy knowing that their Heeseung has a girlfriend now.” Agad na sumimangot ako. Ayan na naman siya. “You know what, if Mom is still alive, she will surely never let you go home until you're loaded with her homemade foods.”

“Ganon ba si tita?”

Tumango siya. “My mom is the sweetest but also the one who over acts the most—” Hindi na niya natapos ang dapat na sasabihin nang may pumasok na tuyong dahon sa bibig niya dahil sa lakas ng hangin.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon