Psycho 13

210 13 7
                                    

AERA HAN

Tinawag si Frederick ng doctor kaya lumabas muna sila ng kwarto. Ako naman ay napilitang manatili dito sa loob kasama si Heeseung na nakaupo lang sa gilid ng kama niya at... nakatingin ng masama sa akin. Mukhang hindi yata mabubuo ang araw niya kapag hindi niya yun ginagawa sa akin.

Hindi na ako naglakas ng loob na salubungin yon pero sa gilid ng mga mata ko kita ko kung gaano yun katalim. Kahit ang layo naming dalawa sa isa't-isa ay nakakasakal ang presensya niya. Kahit hindi siya magsalita naririnig ko pa rin sa utak ko ang mga mura niya.

"Hey."

"Ay hey--" Tinakpan ko ang bibig. Nagulat kasi ako nang bigla siyang magsalita. "S-Sorry."

Napayuko ako nang lalo niya akong samaan ng tingin. "Who are you, really?"

Nagtaka ako sa tanong niya pero sinagot ko pa din siyempre. "Si Aera po. Aera Han."

Nailang ako lalo nang titigan niya lang ako at hindi nagsalita. "What orphanage did you came from?"

"xxxx orphanage po, Mr. Lee."

Bakit bigla niya akong tinatanong ng mga ganitong bagay? Hindi ba parang medyo late na? Dapat noong unang beses na nagkita tinanong ang mga to.

Nang mag-angat ako ng tingin malamig nalang siyang nakatingin sakin na parang sinusuri ako. Anong iniisip niya? 

"Can you stop putting up an act?" Aniya bigla.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. "A-Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Aren't you tired of lying?"

Natigilan ako. Hindi ako nakapagsalita agad. Sa pagkakataong ito medyo nasaktan na ako dahil hanggang ngayon pinaghihinalaan niya pa din ako kahit na sinabi ginawa niya na ang lahat ng kaya niya para sabunin ako tungkol sa pagkamatay ng kapatid niya. Hindi ako mapapagod ulit-uliting sabihin sa kaniya na inosente ako. Pero sa puntong ito napapagod na ako sa kakasabi niyang umaakto lang ako at nagsisinungaling.

"Lahat po ng tinatanong niyo sa akin, Mr. Lee, ay sinasagot ko ng totoo. Kahit isang beses hindi ako nagsinungaling sa inyo." May diin na sa boses ko nang sabihin ko ang mga yon at nilabanan ang titig niya.

Itinagilid niya ang ulo ng bahagya sa kanan. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya dahil blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya hanggang sa yumuko siya at sinapo ang ulo.

"Damn it. This is frustrating." Dinig kong bulong niya. Nagdalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya o hindi dahil parang nakakaramdam siya ng sakit.

"A-Ayos lang po ba kayo, Mr. Lee?"

"Shut your trap."

Hindi ko yun pinansin at naglakad palabas ng kwarto para sana tawagin si Frederick sa baba nang bumukas naman ang elevator. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Frederick. Kumunot ang noo niya nang makita ang naga-alala kong itsura.

"Is there a problem, Lady Han?"

Tinuro ko ang direksyon ni Heeseung. "P-Para kasing sumasakit ang ulo niya."

Malalaki ang hakbang ni Frederick na nilapitan si Heeseung na hanggang ngayon nasa ganon pa ding pwesto. Lumuhod ito sa harapan niya para mapantayan ito. Mabilis ang tibok ng puso ko dala ng kaba at pag-aalala.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon