AERA HAN
“M-Mr. Lee, sorry, napaaway ka pa tuloy.” Sabi ko nang makapasok kami sa sasakyan. Yakap-yakap ko ang parehong braso dahil sa panlalamig.
Basang-basa kaming dalawa na akala mo basang-sisiw. Salubong na salubong pa din ang kilay niya at halatang naiinis pa din.
Ang daming tao na nakapaligid sa sasakyan nung lalaki dahil sinira nga ni Heeseung ang windshield nito at parang wala lang sa kaniya.
Nakokonsensya akong nagasgasan ko ang sasakyan niya pero hindi tama yun para mang-insulto siya at manakit ng babae. Kung hindi dumating si Heeseung kanina malamang may malaking pasa na ako sa mukha.
“Bakit ba kahit nasaan ka, may gulong nangyayari?” Aniya. Napayuko naman ako. Nakaka-guilty dahil tama siya. Maya-maya ay marahas siyang bumuga ng hangin. “I'm... I'm sorry.”
Agad ko siyang nilingon. Yun ang unang beses na sinabi niya ang mga salitang yon.
“This isn't your fault.” Pumikit siya saka ilang beses na huminga ng malalim na parang pinapakalma ang sarili bago muling dumilat at tinignan ako. “Are hurt somewhere? Did he hurt you somewhere else?”
Tahimik na umiling ako. Parang kapag nagsalita ako ay bigla akong maiiyak dahil alalang-alala ang boses niya at ang mga mata niya, punong-puno yun ng sinseridad, idagdag mo pa ang nerbyos na hindi mawala-wala sa dibdib ko dahil sa nangyari.
Hindi ito ang Heeseung na una kong nakilala. Parang ibang-iba tao na ito ngayon kumpara noon. Ito ba ang Heeseung na sinasabi nila Jay? Yung dating Heeseung?
“Thank you, Mr. Lee.” Nasabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.
Natigilan naman siya saglit pero agad ding nag-iwas ng tingin. “Let's go home.” Yun lang ang sinabi niya bago paandarin ang sasakyan.
Nang makarating kami sa palasyo ay agad kaming bumaba ng sasakyan. Siya na din ang nagbuhat ng lahat ng mga paperbag na naglalaman ng mga laruan dahil pinauna niya na ako papasok.
“Aera! Jusko, bakit basang-basa ka?!” Bungad sa akin ni Manang nang makapasok ako sa loob. “Tuwalya, Paula, dali!”
Yakap-yakap ko ang sarili at bahagya na ding nanginginig dahil medyo natuyuan na din ako.
Maya-maya ay bumalik na si Paula na may dala-dalang tuwalya. Inabot niya sa akin yon na agad ko namang kinuha at binalot sa sarili. “Anyare, teh? Natripan mo bang maligo sa ulan?”
Kinurot naman siya ni Manang sa tagiliran kaya napaungot siya.
“S-Si Mr. Lee, Manang, basang-basa din po siya.” Sabi ko. Pareho naman silang nagtaka.
Sakto naman ang pagpasok ni Mr. Lee na ngayon ay nakaputing polo nalang. Dumiretso siya papalapit sa akin. “Hurry up and shower before you get sick. Wear warm clothes.” Aniya.
Tumango naman ako. “Ikaw din.” Sabi ko saka nilingon sila Manang para sana makahingi pa ng tuwalya na ngayon ay nakatulala habang nakatingin sa aming dalawa.
Nang mapansin nila akong nakatingin sa kanila ay doon lang sila nabalik sa kasalukuyan. “Ay, oo! Paula, isa pang tuwalya para kay Mr. Lee.”
![](https://img.wattpad.com/cover/252841046-288-k206284.jpg)
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfiction𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜