Psycho 50

256 14 19
                                    

AERA HAN


Ito na yata ang pinaka-magandang lugar na napuntahan ko sa tanang buhay ko bukod sa Mt. Ulap.

Matapos mag-ayos kanina ay dumiretso na kami ni Heeseung dito sa beach na natatakpan lang pala ng hotel kanina kaya hindi ko agad natanaw. Masiyado din kasi akong busy sa pakikipagusap kay Heeseung sa sasakyan kaya hindi ko na naisipan pang sumilip sa bintana.

Napakalinaw at asul ng tubig. Ang mga buhangin ay puti at pinong-pino na napakasarap tapakan. Katamtaman lang ang init, hindi mahapdi sa balat at ang hangin ay napakasarap sa pakiramdam.

Napakaganda. Para akong nasa paraiso.

“You like it?” Tanong ni Heeseung na nasa likod ko.

Malawak ang ngiting hinarap ko siya. “Ang ganda dito!”

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at hinubad na ang tsinelas saka pumunta sa mismong dagat. Sumuong ako yung hanggang sa ankle ko lang naman ang tubig. Malamig yon at masarap sa balat. Ngiti-ngiti ako habang nakatingin sa mga daliri ko sa paa na kitang-kita ko pa rin dahil sa linaw ng tubig.

Kakaunti lang ang tao at napakaraming nagtitinda ng souvenirs at makakain sa tabing dagat. Meron ding mga kubo at mga taong naglalaro ng volleyball.

Tumabi naman agad sa akin si Heeseung. Ang gwapo-gwapo niya sa suot niyang sando at simpleng shorts. Ang lakas-lakas ng dating niya sa shade na suot niya habang nakapamulsa. Kahit ano yatang ipasuot mo sa kaniya ay babagay eh. Ako ay naka-dress, last minute pa namin tong binili kanina dahil sabi ni Heeseung para naman maging kumportable ako at may masuot akong iba.

“Let's go snorkeling. Sayang kung tatanawin lang natin ang lugar na to.”

Agad akong na-excite. “Snorkeling? Diba yun yung makikita yung corals sa dagat?”

Mahina siyang tumawa at tumango. “Yep? So, what do you think?”

“Tara! Gusto kong makakita ng isdang lumalangoy sa harap ko mismo!” Ramdam ko ang sayang bumabalot sa puso ko.

“Do you know how to swim?”

Natigilan ako. Napakurap ako ng ilang beses nang mapagtanto. Dahan-dahan akong umiling. “H-Hindi pala.” Mabilis na nalungkot ako. “Pano yan?”

Nginitian niya naman ako saka pinalibot ang kamay sa bewang at ginaya ako palakad. “It's alright. Gagawan natin ng paraan.”

“Anong paraan naman? At saan tayo pupunta?”

“You can just hold my hand while we swim.”

“Hala, pano naman yun?”

“You'll know it later.”

“Oh eh saan mo naman ako dadalhin? Saan tayo pupunta?”

Huminto siya at hinarap ako. “You want to go snorkeling, right? Kailangan nating pumunta sa malalim na parte ng dagat.”

“E-Eh hindi nga ako marunong lumangoy. Paano tayo pupunta don?” Mahinang sabi ko.

Tumaas ang parehong kilay niya at natawa. “Of course, hindi naman tayo lalangoy papunta doon mismo. Sa tingin mo ba hahayaan kitang mapagod ng ganon? Hahaha!”

Sumimangot ako. “Pano nga kasi?”

“Using that.” Umalis siya sa harapan ko at may tinuro. Nanliliit naman ang mga mata kong sinundan ng tingin ang hintituro niya.

Dahan-dahang umawang labi ko nang makita ang isang yate sa hindi kalayuan. “B-Bakit may ganyan diyan?”

“What do you mean? I told you, we will use that to get to the middle of the sea.” Inosenteng aniya.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon