; my mind is on fire today hahaha i guess i missed writing. so here's another chapter.
; anyway, i changed the name of one of the characters. Soo Min Yong - Sophia Ma (refer to chapter 3)
AERA HAN
Nagising ako sa malamig sa paligid. Nang dumilat ako, sigurado na agad akong nandito ako sa isa sa mga kwarto sa palasyo ni Heeseung.
Nanatili akong nakatulala sa kisame hanggang sa bumalik sa utak ko ang pangyayari kanina. Saktong pagkaupo ko sa kama ay bumukas ang pinto at niluwa non si Heeseung, sa likod niya ay si Frederick.
“Good, you're up.” Tumayo siya sa dulo ng kama kaya ngayon ay nakatingala ako sa tangkad niya.
May kakaunti akong kabang nararamdaman. Sari-sari ang mga isiping pumasok sa utak ko. Paano kung hindi tumalab ang pagmamakaawa ko? Paano kung hindi niya ako pinagbigyan at hinayaan lang si Matthew? Kamusta si Matthew? Anong nangyari sa kaniya?
“S-Si Matthew, kamusta siya?”
Hindi sumagot si Heeseung at malamig lang akong tinignan.
“We brought him to the hospital but until now he still didn't regain conciousness. He lost so much blood but the doctor said that he's fine, Lady Han.”
Pinakawalan ko ang hindi ko namalayang pinipigilan kong hininga. Para akong nabunutan ng napakalaking tinik sa dibdib. Hindi ko napigilang mapangiti.
Ligtas siya.
“What are you smiling for, you look stupid. Get up, your job will start today.”
Hindi na ako nagreklamo at basta nalang tumayo. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya at ang huling gusto kong mangyari ay galitin siya. Nagpapasalamat naman ako at hindi na ganon kasakit ang ulo ko.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago tumalikod at maglakad palabas. Sumunod naman agad ako.
Sa ugaling meron si Heeseung malabong pabisitahin niya ako kay Matthew pero kampante akong ligtas na ito ngayon. At ngayong hawak niya na ako ng tuluyan sa leeg, imposible na ding makabalik ako sa orphanage at sa dati kong buhay. Parang siya na ang nagmamay-ari ng pagikot ng buhay ko ngayon.
Ganon pa man, nakakapagtakang hindi ako nakakaramdam ng lungkot. Panatag ang loob ko na ligtas ang mga taong mahalaga sakin. Pahihirapan man ako ng taong to ang mahalaga ay may bahay pa din akong tinutuluyan at pagkaing makakain.
Dumating kami sa receiving area ng palasyo at nakakapagtakang nandoon lahat ng trabahador mapa-katulong, hardinero at chefs.
Nilingon ko si Frederick na nakatingin din pala sa alin ngayon. Maliit niya akong nginitian na agad ko namang sinuklian. Sa ekspresyon ng mukha ko malamang alam niyang nagtataka ako.
“From now on,” Otomatikong nagsitayuan ng tuwid ang lahat, kasama ako. “This woman is already one of the workers of this palace. You may no longer address her and she'll do all around duties and chores that ya'll give her. But her main duty is she's the only one who's allowed to make my food and clean the whole yard and garden.”
Napalunok ako. Hati ang nararamdaman ko. Tuwa, dahil mas higit pa dito ang inaakala kong pagpapahirap niya sa akin, inaasahan kong magagaya ako kay Matthew. At gulat, dahil buong yard at garden? Parang buong village ang yard na meron ang palasyong ito isa pa yung garden na mas malaki pa sa orphanage.
BINABASA MO ANG
𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️
Fanfiction𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒂. (𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒐𝒊𝒅 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝑶𝒓𝒅𝒆𝒓) ;𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 ;𝑺𝒖𝒔𝒑𝒊𝒄𝒊𝒐𝒏 ;𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒖𝒅𝒈𝒆𝒔 𝙚𝙣𝙝𝙮𝙥𝙚𝙣 𝙨𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 4 -𝙡𝙚𝙚 𝙝𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜