Psycho 31

280 19 21
                                    

AERA HAN

Nakatulalang nakatitig ako sa bulaklak na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na basta nakatitig lang ako sa kulay pulang rosas na to.

Bakit ba kasi hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kagabi? Ang naka-pajama na si Heeseung, kahit ang pag-inom niya ng yakult, ang buhok niyang parang napakasarap hawakan, ang titig niya at ang pagkulong niya sakin gamit ang mga braso niya.

Ano kayang sasabihin niya dapat sa akin kagabi? May sinabi kasi siya hindi niya lang natapos dahil sa paglitaw ni Frederick. Wala akong ideya. Pero ganon ba yun ka-importante para tawidin niya ang espasyo sa pagitan namin ng ganon kalapit?

Napanguso ako.

Hindi ko na tuloy nakain ng maayos yung mga kinuha ko sa kusina kagabi kakaisip saka papakalma sa puso ko.

Hindi din nakatulong na hindi siya pumasok ngayon sa trabaho.

Hindi ko alam kung anong dahilan basta nagulat nalang ako pinagluto ako ni Frederick ng almusal para kay Heeseung.

Malalim akong bumuntong-hininga. Bakit biglang naging mahirap na hindi pansinin si Heeseung? Parang nakaraang linggo lang kahit mag-kasalubong kami ay hindi niya ako tinitignan tapos ngayon siya pa ang lumalapit sa akin.

May tatlong araw palang ako sa isang linggo na hindi dapat pag-pansin sa kaniya. Meron pang limang araw. Sana naman ay hindi na maulit pa ang nangyari kagabi.

Umayaw na kaya ako? Pakiramdam ko kasi pinagtitripan lang nila si Heeseung at pati na din ako. Mga siraulo talaga ang anim na yon.

Kaso nangako na din ako eh.

Ipiniling ko nalang ang ulo saka niligpit ang mga kalat bago pumasok sa loob. Dumiretso ako papuntang kusina para sana maghanap ng makakain nang makita ko si Heeseung na naglalakad papunta sa direksyon ko. Nakasuot siya ng simpleng white t-shirt at maluwag na pants habang nakalagay ang isang kamay sa bulsa at ang isa ay may hawak-hawak na cellphone.

Nang parang maga-angat na siya ng tingin ay nag-iwas na agad ako ng tingin at lumiko sa ibang direksyon. Sa taranta ay napa-pasok ako sa isang kwarto na kung saan nandon ang sako-sakong lupa at mga seed kapag magtatanim ng halaman.

Isasara ko na sana ang pinto nang bigla yung bumigat. Wala na akong nagawa nang bumukas yon at niluwa si Heeseung na nakataas ang isang kilay habang nakasimangot.

Napaatras naman ako at yumuko.

“What are you doing here?” Tanong niya saka sumandal sa pinto at pinag-krus ang braso.

“Uhm, n-naisip ko lang po na magtanim ng rose. Kasi may namatay na halaman po kahapon kaya gusto kong palitan, Mr. Lee.” Sagot ko habang hindi pa din nakatingin sa kaniya.

“Are you sure? I don't think that's the reason why you changed direction when you saw me.” Malamig na aniya.

Nakutkot ang kuko sa likod sa kaba. “Yun lang po talaga, Mr. Lee. Gusto ko lang magtanim.”

Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako na parang binabasa kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

“Good. I also thought about planting.” Doon ako nag-angat ng tingin sa kaniya. “Grab the materials.”

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon